Kapag binalewala mo ang isang user, hindi mo makikita ang kanyang mga komento sa mga bibliograpikong talaan, at hindi ka nila mapapadalhan ng mensahe. Kapag binalewala mo ang isang user, masi-screen ang lahat ng kanyang komento, kung kaya’t hindi lalabas ang mga ito kapag nag-browse ka sa catalog ng library.
Bakit Kailangang Balewalain ang Iba Pang User?
Ang site na ito ay nagbibigay sa lahat ng miyembro at staff ng lugar kung saan sila makakapagbigay ng mga opinyon tungkol sa mga aklat, DVD, at CD na gusto nila o hindi nila gusto. Magkakaiba ang gusto ng mga tao; maaaring may ilang opinyon na hindi mo magugustuhang basahin.
Kapag binalewala mo ang isang user, hindi mano-notify ang user na iyon, at hindi rin makikita ng iba ang kanyang status na binabalewala. Kapag idinagdag mo ang isang tao sa iyong listahan ng Mga Binalewalang User, hindi maaapektuhan ang kanyang standing sa iba pang user sa iyong library.
Hindi permanente ang pagbalewala. Ang sinumang user na napili mong i-block sa iyong view ay nakalista sa iyong page na Mga Binalewalang User, at madaling maaalis sa listahan.
Upang balewalain ang isang user
- Mag-log in sa iyong account.
- Kapag nakakita ka ng komento at gusto mong balewalain ang may-akda nito, itapat ang cursor sa kanyang pangalan (i-tap kung gumagamit ka ng tablet o smartphone) at pagkatapos ay i-click ang Balewalain.
- May lalabas na mensaheng nagsasabi na naidagdag na ang user sa iyong listahan ng Mga Binalewalang User.
Upang ihinto ang pagbalewala sa isang user
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Hanapin ang pangalan ng user sa iyong page na Mga Binalewalang User.
- I-click ang Ihinto ang Pagbalewala sa User.
- May lalabas na mensaheng nagkukumpirma na naalis na ang user sa iyong listahan ng Mga Binalewalang User.
Tandaan: Ikaw lang ang makakakita sa content na nasa iyong page na Mga Binalewalang User. Hindi ibabahagi ng iyong library ang impormasyong ito sa sinuman, sa anumang sitwasyon. Sumangguni sa aming Patakaran sa Privacy upang matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan ng iyong library ang iyong pribadong impormasyon