Bakit ko kailangang magparehistro?
Ang pagpaparehistro ay isang minsanang proseso kung saan ka makakagawa ng madaling tandaan na login name, o username, na maaari mong gamitin upang tingnan ang iyong account sa halip na ang iyong barcode. Kung mayroon kang Google o Hotmail account, alam mo na ang tungkol sa mga username. Kung wala, isipin mo na lang na palayaw mo sa library ang isang username. Kailangan ng mga ideya? Gamitin ang iyong mga inisyal at ang iyong street number (SDK203), ang pangalan ng iyong aso, o anumang bagay tungkol sa iyo (Twilightfan), na maikli lang at madali mong matatandaan. Tandaan na lalabas ang iyong username sa mga pampublikong komento at listahan na ipo-post mo. Kailangan mong magparehistro upang magamit ang lahat ng feature ng site, at magkaroon ng kakayahang pamahalaan ang iyong mga pag-renew at pagpapareserba, magbigay ng mga rating at review, at subaybayan ang iba upang makita kung ano ang kinagigiliwan nila.
Kailangan ko bang ibigay ang petsa ng aking kapanganakan?
Hindi, hindi kailangan ang petsa ng iyong kapanganakan para sa pagpaparehistro. Kung nasa library na ang impormasyong ito, lalabas ito sa page ng pagpaparehistro at mase-save ito sa iyong account. Maaari kang payagan ng iyong lokal na library na i-delete ang impormasyong ito pagkatapos mong magparehistro. Tanungin ang iyong library tungkol sa patakaran nito. Kung hindi nakatala sa library ang petsa ng iyong kapanganakan kasama ng iyong library card, hindi ito lalabas sa page ng pagpaparehistro, at hindi mo ito kailangang ibigay kung ayaw mo. Ngunit tandaan na kung hindi mo ibibigay ang taon at buwan ng iyong kapanganakan, ipagpapalagay ng system na isa kang menor-de-edad, at para sa kaligtasan, hindi mo magagamit ang ilang feature. Sa United States, ang mga menor-de-edad ay hindi maaaring magpadala o tumanggap ng mga mensahe, gumawa ng username, o magsulat ng mga komento. Sa ibang hurisdiksyon, ang mga menor-de-edad ay hindi maaaring magpadala o tumanggap ng mga mensahe.
Kailangan ko bang ibigay ang aking email address?
Opsyonal ang pagbibigay ng email address. Gagamitin ito kung nakalimutan mo ang iyong PIN/password at humiling ka ng reset. Maaari ding gamitin ng iyong library ang email address mo upang padalhan ka ng mga notification tungkol sa mga item na maaari nang kunin, malapit na sa takdang petsa, o lampas na sa takdang petsa.
Paano kung mali ang lumalabas na pangalan o petsa ng kapanganakan ko?
Dapat mong kumpletuhin ang pagpaparehistro online kahit na mali ang data. Hilingin sa isang miyembro ng staff sa circulation desk na i-update ang impormasyong ito sa susunod na pagpunta mo sa library upang masiguradong tama ang mga talaan ng library.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpaparehistro at pag-log in, pakibasa ang Mga FAQ.