Maaari mong gamitin ang site upang maghanap sa catalog at maghanap ng mga kamakailang nakuha at na-review na item. Upang magpareserba, tingnan ang iyong account, o gamitin ang ilan sa mga interactive na feature ng site, kailangan mo munang mag-log in.
Dalawang bagay ang kailangan para sa pag-log in:
- ang iyong library card number, o barcode. Ito ang 7- hanggang 14-digit na numero sa iyong card.
- ang iyong PIN (personal identification number) o password. Bubuuin ito ng hindi bababa sa 4 na digit. Ang maximum ay magdedepende sa system na ginagamit ng iyong library. Ginagamit ng ilang library ang huling 4 na digit ng numero ng iyong telepono, ginagamit naman ng iba ang petsa ng iyong kapanganakan, o ang iyong postal o ZIP code. Mga numero lang ang pinapayagan ng ilan, habang pinapayagan naman ng iba pang library ang paggamit ng kumbinasyon ng mga titik at numero.
Kapag nakapagparehistro ka na sa site, mapipili mong mag-log in gamit ang isang username na ginawa mo, sa halip na ang iyong library card number. Maaaring mas madali mo itong matandaan, lalo na kung kailangan mong i-access ang iyong account nang wala ang iyong card.
Upang mag-log in sa iyong account
- Sa menu sa kanang itaaas, i-click ang Mag-log in/Magparehistro.
- Sa page na Mag-log In, ilagay ang iyong barcode o username, at ang iyong PIN/password.
- I-click ang Mag-log In.
Makikita mo ang dashboard ng Kamakailang Aktibidad. Kung nasa kalagitnaan ka ng isang aksyon, gaya ng pagpapareserba, babalik ka sa ginagawa mo bago ka mag-log in.
Nagkakaproblema sa Pag-log In?
Hindi matandaan ang iyong user name?
Ang isang user name ay maaaring lang buuin ng mga titik, numero, at underscore. Kung hindi mo pa rin ito matandaan, mag-log in gamit ang iyong library card number. Ang iyong username ay para sa kaginhawahan mo. Maaari kang mag-log in gamit ang iyong library card number kahit kailan.
Hindi matandaan ang iyong PIN/password?
Depende sa system na ginagamit ng iyong library, ang iyong PIN ay maaaring:
- isang 4-digit na numero,
- iyong kaarawan, sa format na mmddyyyy,
- iyong ZIP o postal code,
- isang kumbinasyon ng mga titik at numero, na binubuo ng 4 o higit pang character.
Kung hindi mo matandaan ang iyong PIN, maaari mo itong i-reset. I-click ang link na Nakalimutan ang iyong PIN?. Makakatanggap ka ng email na naglalaman ng link na magagamit mo upang gumawa ng bagong PIN.
Hindi pa rin makapag-log in?
Makipag-ugnayan sa iyong library.