Mula sa page na Nakareserba, masusubaybayan mo ang mga pamagat na hiniling mo, at kung saan at kung kailan makukuha ang mga ito. Bilang default, ang mga item sa page ay nakaayos ayon sa posisyon ng pagpapareserba, kung saan nasa unahan ang mga item na maaari nang kunin. Kung gusto mo, maaari mong isaayos ang page ayon sa status, pamagat, may-akda o format.
Maaari mo ring kanselahin at i-pause ang iyong mga kahilingan sa pagpapareserba. Upang baguhin ang status ng isang kahilingan, i-click ang button na I-pause o Kanselahin para sa item na gusto mong baguhin. Ang mga aktibo at naka-pause na pagpapareserba ay ipinapakita sa magkakahiwalay na block. Maaari mong gamitin ang mga filter sa kaliwang bahagi ng iyong page na Nakareserba nang sa gayon ay ang mga item na maaari nang kunin, aktibong pagpapareserba, at naka-pause na pagpapareserba lang ang makita mo.
Maaari mong i-activate ang isang naka-pause na pagpapareserba sa pamamagitan ng pag-click sa button na Ipagpatuloy
Tandaan: Gamitin ang page na ito upang pamahalaan ang mga pagpapareserba. Upang magpareserba, maghanap, o tingnan ang page ng mga detalye ng isang pamagat. Tingnan ang nasa ibaba.
Ikaw lang ang makakakita sa content ng page na Nakareserba. Sumangguni sa aming Patakaran sa Privacy upang matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan ang iyong pribadong impormasyon. Mayroong link papunta sa Patakaran sa Privacy sa ibaba ng bawat page.
Pagpapareserba
Ipapareserba mo ang mga item na gusto mo mula sa mga resulta ng paghahanap, o mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat. Kung gusto mong kunin ang item sa isang partikular na lokasyon, makikita mo kung aling mga branch ang kasalukuyang mayroon ng item na iyon, pati na rin ang status ng sirkulasyon ng lahat ng available na kopya.
Upang magpareserba mula sa mga resulta ng paghahanap
- Mag-log in sa iyong account.
- Maglagay ng ilang keyword at maghanap.
- Hanapin ang pamagat na gusto mo.
- Magkakaroon ng label na Available ang mga pamagat na may hindi bababa sa isang kopya sa library. Upang makita ang kasalukuyang status ng lahat ng kopya ng item, i-click ang link na mga detalye ng availability.
- I-click ang button na Magpareserba.
- Sa popup na Magpareserba, piliin ang branch kung saan mo gustong kunin ang pamagat. Ang default na lokasyon ay ang iyong home branch, o ang branch na tinukoy mo sa iyong page na Mga Kagustuhan bilang iyong mas gustong lokasyon. (Kung iisa lang ang lokasyon ng iyong library, o kung na-enable mo ang mga pagpapareserba sa pamamagitan ng iisang pag-click, hindi mo makikita ang opsyong ito.)
- I-click ang button na Kumpirmahin ang Pagpapareserba.
Ngayon, lalabas na ang hiniling mong pamagat sa page na Nakareserba.
Tandaan: Maaari mong laktawan ang pagpili ng lokasyon ng pagkuha kahit kailan kung ie-enable mo ang mga pagpapareserba sa pamamagitan ng iisang pag-click.
Upang magpareserba mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat
- Mag-log in sa iyong account.
- Hanapin ang pamagat na gusto mong ipareserba sa pamamagitan ng paghahanap o pag-browse sa catalog. Pumunta sa page ng mga detalye nito sa pamamagitan ng pag-click sa pamagat nito.
- Ipapakita ang kabuuang bilang ng mga kopya at ang bilang na kasalukuyang available. Upang makita ang lokasyon at kasalukuyang status ng bawat available na kopya ng isang pamagat, i-click ang link na Availability ayon sa Lokasyon.
- I-click ang button na Magpareserba.
- Piliin ang branch kung saan mo gustong kunin ang pamagat. Ang default na lokasyon ay ang iyong home branch, o ang branch na tinukoy mo sa iyong page na Mga Kagustuhan bilang iyong mas gustong lokasyon. (Kung iisa lang ang lokasyon ng iyong library, hindi mo makikita ang opsyong ito.)
- I-click ang button na Kumpirmahin ang Pagpapareserba.
Ngayon, lalabas na ang hiniling mong pamagat sa page na Nakareserba.
Mga Paalala:
- Kung kailangan mo na kaagad ang isang item, gamitin ang link na Availability ayon sa Lokasyon upang tingnan ang mga lokasyon na may mga available na kopya.
- Hindi maaaring ipareserba ang ilang item, gaya ng isang reference book o mga dokumento sa microfiche. Magtanong tungkol sa mga ito sa Reference Desk sa iyong branch.
- Maaaring hindi maging available kaagad ang ilang sikat na pamagat. Tumuklas ng mga bagong akda sa pamamagitan ng pagtingin sa mga rekomendasyon, komento at tag na isinumite ng iba pang mga miyembro ng library.