Hindi itinatala ng iyong library ang iyong paghiram nang wala ang iyong pahintulot. Gayunpaman, kapag na-enable mo ang feature na History ng Paghiram, ang system ay magsisimulang gumawa ng listahan ng lahat ng pamagat na hihiramin mo.
Maaari mong i-on ang feature na History ng Paghiram habang nasa proseso ng pagpaparehistro, at masisimulan mo na kaagad na i-save ang iyong mga pamagat, o sa ibang pagkakataon.
Upang i-enable o i-disable ang History ng Paghiram
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, sa ilalim ng heading na Mga Kagustuhan sa Account , hanapin ang iyong setting ng History ng Paghiram.
- I-click ang Baguhin.
- Sa page na History ng Paghiram, i-click ang kasalukuyang setting upang baguhin ito.
- I-click ang I-save.
- Makikita mo ang mensaheng “Na-save na ang bago mong impormasyon.”
Mga Paalala:
- Kapag na-disable ang feature na ito, permanenteng made-delete ang anumang mga kasalukuyang pamagat sa History ng Paghiram na hindi pa naidaragdag sa iyong shelf na Natapos Na o sa isang listahan.
- Kung wala kang nakikitang opsyon na History ng Paghiram sa ilalim ng Mga Kagustuhan sa Account, ibig sabihin ay hindi naka-enable ang feature na ito sa iyong library.
Ikaw lang ang makakakita sa content sa iyong page na History ng Paghiram. Sumangguni sa aming Patakaran sa Privacy upang matuto pa tungkol sa kung paano pinoprotektahan ng iyong library ang iyong pribadong impormasyon. Mayroong link papunta sa Patakaran sa Privacy sa ibaba ng bawat page.