Ang page na Newsfeed ay nagpapakita ng tuluy-tuloy na “feed” ng mga pamagat mula sa mga taong sinusubaybayan mo. Kung pamilyar ka sa Twitter o iba pang social media, nauunawaan mo na kung paano ito gumagana.
Halimbawa, ipagpalagay na sinusubaybayan mo si Jane_C. Idinagdag ni Jane ang The Very Hungry Caterpillar ni Eric Carle sa kanyang mga shelf, at binigyan niya ito ng 5-star rating. Lalabas ang aklat na ito sa iyong page na Newsfeed.
Hindi lang mga item na mataas ang rating ang makikita sa feed. Para sa mga taong sinusubaybayan mo, makikita mo ang:
- mga item na idinagdag nila sa kanilang mga shelf,
- mga listahang ginawa nila,
- mga komento at rating na idinagdag nila sa mga partikular na pamagat,
- mga listahan o komento ng iba na na-like nila.
Para sa impormasyon tungkol sa kung paano subaybayan ang isang tao, basahin ang Pagsubaybay sa Iba.
Upang tingnan ang iyong Newsfeed
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Profile Ko.
- Lalabas sa kanan ang iyong newsfeed.
- Upang makita ang iba pang nasa feed mo, i-click ang button na Magpakita pa sa ibaba ng page.
Paano Makakuha ng Kapaki-pakinabang na Feed
Ang susi sa pagkakaroon ng magandang feed na binubuo ng mga nakabahaging item ay ang paghahanap ng mga tao na magandang subaybayan. Narito ang ilang ideya upang makapagsimula:
- Tingnan ang mga detalye ng isang aklat o pelikula na nagustuhan mo. Kung maganda ang komento ng ibang user, subaybayan siya.
- Maghanap ng interesanteng listahan tungkol sa isang paksa na interesante para sa iyo, at subaybayan ang gumawa nito.
- Tingnan ang page na Kamakailang Aktibidad para sa mga listahan at review mula sa staff ng library at subaybayan sila. Kadalasang makikilala ang staff ng library sa tulong ng isang espesyal na icon, o ng isang username.