Ang iyong mga page na Mga Shelf Ko ay kung saan mo masusubaybayan ang mga item na binasa, pinanood o pinakinggan mo, o pinaplano mong basahin, panoorin o pakinggan sa hinaharap. Maaari kang makatuklas ng mga pamagat na interesante para sa iyo sa pamamagitan ng pagtingin sa mga shelf ng ibang tagatangkilik.
Upang makita ang mga shelf ng ibang tagatangkilik, i-click ang kanyang pangalan. Halimbawa, kung nakakita ka ng interesanteng komento mula sa ibang tagatangkilik sa isang pelikula o aklat, i-click ang kanyang pangalan upang pumunta sa page ng kanyang profile, at pagkatapos ay i-click ang Mga Shelf. Lalabas din ang mga pangalan ng tagatangkilik sa page na Kamakailang Aktibidad, at sa mga listahan.
Maaari mong tingnan ang mga shelf hindi lang ng mga taong gumagamit ng iyong library, ngunit pati na rin ang mga shelf ng iba pang library system sa mundo na gumagamit ng system na ito.
Tandaan: Kapag tinitingnan ang mga shelf ng isang tagatangkilik sa ibang library, maaari kang makakita ng mga pamagat na hindi pag-aari ng iyong library. Kung makakita ka ng mga pamagat na nailimbag kamakailan lang at interesante para sa iyo, maaari mong hilingin sa iyong library na bilhin ang mga ito.