Magagamit mo ang mga page na Mga Shelf Ko upang subaybayan ang mga item sa library na hiniram mo, o pinaplano mong hiramin sa hinaharap.
Ang shelf na Natapos Na ay kung saan mo maso-store ang lahat ng binasa, pinanood o pinakinggan mo. Ang shelf na Kasalukuyang Ginagamit ay kung saan matatagpuan ang mga kasalukuyan mong binabasa, pinapanood, o pinapakinggan. Ang shelf na Para Mamaya ay parang isang wish list, kung saan mo masusubaybayan ang mga aklat, pelikula, at musika na gusto mong hiramin sa hinaharap.
Kapag tinitingnan mo ang isa sa mga shelf, gamitin ang mga kategorya sa kaliwang sidebar upang tumuon sa mas maliit na grupo ng mga pamagat sa iyong mga shelf. Halimbawa, maaari mong i-filter ang iyong shelf na Para Mamaya upang ang mga DVD lang na gusto mong tingnan ang makita mo.
Maaari kang magdagdag sa iyong mga shelf mula halos kahit saan, kasama na ang:
- page ng mga detalye ng isang item
- mga resulta ng paghahanap
- mga listahan ng mga award at bestseller,
- mga shelf ng ibang tagatangkilik.
Maaari kang ring magdagdag ng isang item nang direkta sa pamamagitan ng paggamit sa link na Magdagdag ng Pamagat sa alinman sa mga shelf.
Idaragdag dito ang mga item na bibigyan mo ng star-rating, kokomentuhan, ita-tag, o ibubuod na wala pa sa iyong shelf na Natapos Na.
Pagtingin sa Iyong Mga Shelf
Upang tingnan ang iyong mga shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Shelf na Para Mamaya, Shelf na Kasalukuyang Ginagamit o Shelf na Natapos Na.
Maaari kang magpalipat-lipat sa pagitan ng mga shelf gamit ang mga link sa ibaba ng iyong username.
BIlang default, ang mga pamagat ay nakaayos ayon sa petsa kung kailan mo idinagdag ang mga ito, kung saan mauuna ang mga pinakabago. Sa pamamagitan ng pag-click sa dropdown na listahan na Isaayos ayon sa sa itaas ng page, maaari kang magsaayos ayon sa petsa ng pagdaragdag, pamagat, rating, o may-akda.
Pagdaragdag, Paglilipat, at Pag-aalis ng Mga Item mula sa Iyong Mga Shelf
Upang magdagdag ng pamagat sa iyong mga shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Mula sa alinman sa page ng mga detalye ng isang item, mga resulta ng paghahanap, mga listahan ng mga award at bestseller, i-click ang button na Para Mamaya, o i-click ang arrow sa tabi ng button at pumili ng ibang shelf.
o
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa iyong shelf na Natapos Na, Kasalukuyang Ginagamit o Para Mamaya.
- I-click ang Magdagdag ng Pamagat.
- Hanapin ang pamagat na gusto mong idagdag.
- I-click ang link na Idagdag sa.
- Maghanap ng mga karagdagang item kung kinakailangan, at pagkatapos ay isara ang popup na window.
Kapag nahiram mo na ang isang pamagat na nasa iyong shelf na Para Mamaya, maaari mo na itong ilipat sa iyong shelf na Kasalukuyang Ginagamit. Sa katulad na paraan, kapag natapos mo na ang isang aklat na nasa iyong shelf na Para Mamaya, maaari mo na itong ilipat sa iyong shelf na Natapos Na.
Upang maglipat ng pamagat sa ibang shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa iyong shelf na Natapos Na, Kasalukuyang Ginagamit o Para Mamaya.
- I-click ang link na Ilipat sa aking.
- Mula sa dropdown na menu, i-click ang naaangkop na shelf.
Maaari ka ring mag-alis ng pamagat sa iyong mga shelf kung ayaw mo na itong lumabas doon.
Upang mag-alis ng pamagat sa iyong mga shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa shelf na naglalaman ng item na gusto mong alisin.
- I-click ang checkbox sa tabi ng pamagat na gusto mong alisin.
- Sa itaas o ibaba ng page, i-click ang button na Alisin ang Napili upang permanenteng alisin ang pamagat mula sa iyong mga shelf.
Mga Paalala:
- Ang mga item ay mananatili sa iyong mga shelf malliban na lang kung alisin mo ang mga ito, kahit na wala na sa library ang pamagat na idinagdag mo.
- Kung mag-aalis ka ng pamagat mula sa isang shelf, ang anumang content na idinagdag mo, gaya ng isang rating o komento, ay maaalis din, at hindi na makikita kung hahanapin at titingnan mong muli ang pamagat na iyon.
Pagbabago sa Kung Paano Ipinapakita ang Mga Pamagat
Maaari mong i-customize kung paano ipinapakita ang mga pamagat sa iyong mga shelf. Kasama rito ang pagtukoy sa kung makakakita ka ng mga larawan o hindi, at sa bilang ng mga item sa page. Ang mga setting na pipiliin mo ay maaaring magdepende sa bilis ng iyong koneksyon sa Internet.
Upang baguhin kung paano ipinapakita ang mga pamagat, mag-click ng ibang icon sa itaas ng page: Cover View o List View.
Upang baguhin ang bilang ng mga item sa page, piliin ang 10 o 25 mula sa dropdown na listahan sa itaas ng page.
Pag-filter sa Iyong Mga Shelf
Maaari mo pang gawing mas partikular ang mga pamagat sa iyong mga shelf sa pamamagitan ng paggamit sa mga kategorya sa kaliwang sidebar. Halimbawa, upang makita kung nabasa mo na ang isang aklat mula sa isang partikular na may-akda, maaari mong i-filter ang iyong shelf na Natapos Na ayon sa pangalan ng may-akda na iyon.
Pagbabago sa Nakabahaging View
Bilang default, ang mga item na nasa iyong mga shelf na Natapos Na, Kasalukuyang Ginagamit at Para Mamaya ay pampubliko. Ikaw ang magpapasya kung ilan sa iyong mga shelf ang gusto mong ibahagi sa iba.
Upang magbukod ng isang pamagat mula sa pampublikong view, i-click ang link na Magdagdag ng Mga Detalye sa kanan ng pamagat upang ipakita ang dropdown na menu, at pagkatapos ay i-click ang checkbox na Panatilihing pribado ang item na ito. Ang mga pribadong item ay mayroong maliit na icon ng lock sa tabi ng mga ito.
Pagdaragdag ng Content sa Mga Pamagat
Ang pagbibigay ng rating, pag-tag at pagdaragdag ng mga komento ay mahuhusay na paraan upang gawing mas detalyado ang catalog ng library at padaliin ang pag-navigate sa iyong mga shelf. Tandaan na makakapaglagay ka ng karagdagang detalye sa isang pamagat na iyong nabigyan ng rating, na-tag o sinuri anumang oras.
Upang magdagdag ng mga detalye sa isang pamagat
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa isang shelf.
- Upang bigyan ng rating ang isang pamagat, hanapin ang heading na Rating Ko sa kanan ng pamagat, at pagkatapos ay i-click ang star na kumakatawan sa rating na gusto mong ibigay.
- Upang magdagdag ng iba pang impormasyon, i-click ang link na Magdagdag ng Mga Detalye, at pagkatapos ay i-click ang uri ng impormasyon na gusto mong idagdag.
- Idagdag ang iyong mga komento, tag, o iba pang content.
Tandaan: Para sa impormasyon tungkol sa iba’t ibang uri ng content na maaari mong iambag sa isang pamagat, basahin ang mga indibidwal na paksa ng tulong tungkol sa star-rating, mga komento, pag-tag, pagbubuod, mga sipi, kaangkupan sa edad, at mga paunawa tungkol sa content.