Ang iyong shelf na Para Mamaya ay parang isang wish list, kung saan mo masusubaybayan ang mga pamagat na gusto mong hiramin sa ibang pagkakataon. Maaari mong gawing pampubliko (nakikita ng iba) o pribado ang mga item sa shelf na ito.
Maaari kang magdagdag ng pamagat sa iyong shelf na Para Mamaya mula sa:
- Mga resulta ng paghahanap
- Page ng mga detalye ng isang pamagat
- Shelf na Natapos Na, Kasalukuyang Ginagamit o Para Mamaya ng ibang tagatangkilik
- Iyong page na Na-check Out
- Mga page ng mga award at bestseller
- Isang listahan
- Ang mismong page na Para Mamaya.
Upang magdagdag ng pamagat sa iyong shelf na Para Mamaya
- Mag-log in sa iyong account.
- Mula alinman sa page ng mga detalye ng isang item, mga resulta ng paghahanap, mga listahan ng mga award at bestseller, o mga shelf ng ibang tagatangkilik, i-click ang link na Idagdag sa Mga Shelf Ko sa tabi ng item.
- Mula sa dropdown na menu, i-click ang Para Mamaya.
o
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Shelf na Para Mamaya.
- I-click ang Magdagdag ng Pamagat.
- Hanapin ang pamagat na gusto mong idagdag.
- I-click ang link na Idagdag sa.
- Maghanap ng mga karagdagang item kung kinakailangan, at pagkatapos ay isara ang popup na window.
Maaari kang magdagdag ng kahit ilang pamagat sa page na ito hangga’t gusto mo. Walang limitasyon.