Ang isang listahan ay isang koleksyon ng mga pamagat na nauugnay sa isang partikular na paksa o ideya na pipiliin mo. Maaari mo itong ibahagi sa iba pang miyembro ng library o panatilihin itong pribado para sa sarili mong paggamit.
Bakit Kailangang Gumawa ng Mga Listahan?
Ang paggawa ng mga listahan ay isang mahusay na paraan upang tulungan ang iba pang tagatangkilik ng library na makatuklas ng mga bagong akda. Ang Pinakamagagandang Italian Cookbook, 10 Aklat na Paborito ng Anak Ko at Mga Pelikulang Nakapagpabago ng Buhay Ko ay mga halimbawa ng mga listahan na maaari mong gawin. Ang isang magandang listahan ay isang na-curate na gabay sa paksa. Ang isang listahan ay hindi lang dapat isang grupo ng mga pamagat mula sa isang may-akda, dahil magagawa mo naman iyon sa pamamagitan ng paghahanap, o isang grupo ng mga pamagat na gusto mong hiramin, dahil mayroon ka namang shelf na Para Mamaya para doon.
Makakakita ka ng mga listahan sa ilang lokasyon sa site:
- Kapag nag-browse ka sa mga detalye ng isang pamagat, makakakita ka ng mga link papunta sa mga listahan na naglalaman ng pamagat na iyon sa ilalim ng heading na Nakalista.
- Ang mga listahang gagawin mo ay ibabahagi rin sa iba pang user kapag tiningnan nila ang iyong koleksyon. (Hindi kasama ang mga listahang pinili mong panatilihing pribado.)
- Ang mga listahan ng mga user ay makikita rin sa ibaba ng page na Kamakailang Aktibidad.
Kapag may ideya ka para sa isang listahan at handa ka nang magsimula, basahin ang Paggawa ng Mga Listahan.
Tandaan: Upang subaybayan ang mga pamagat na gusto mong hiramin sa hinaharap, gamitin ang iyong shelf na Para Mamaya. Maaari kang magdagdag ng kahit ilang pamagat sa isang shelf hangga’t gusto mo, at maglapat ng mga facet upang i-filter ang shelf kung napakarami mong pamagat.