Ang isang listahan ay isang koleksyon ng mga pamagat na nauugnay sa isang partikular na paksa o ideya na pipiliin mo. Isipin na lang na isa itong gabay sa paksa. Halimbawa: Ang Mga Knitting Book para sa Mga Baguhan o Ang 10 Pinakamagagandang Pelikula tungkol sa Baseball ay mga naaangkop na paksa para sa mga listahan.
Pagdaragdag ng Pamagat o Webpage mula sa Page ng Listahan
Maaari kang magdagdag ng mga pamagat mula sa catalog, o ng mga link sa webpage sa isang listahan kapag ginawa mo ito. Maaari ding magdagdag ng mga pamagat sa catalog mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat.
Upang magdagdag ng pamagat sa catalog sa iyong listahan
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa iyong page na Mga Listahan Ko.
- I-click ang button na I-edit sa tabi ng listahang gusto mong I-edit.
- Sa page ng listahan, i-click ang button na Idagdag sa Listahan.
- Hanapin ang pamagat na gusto mong idagdag.
- Kapag nakita mo na ang pamagat na gusto mo, i-click ang link na Idagdag.
- Ulitin ang mga hakbang 4-6 hanggang sa maidagdag mo ang lahat ng gusto mong pamagat.
Mga Paalala:
- Para gumawa ng bagong listahan, tingnan ang Paggawa ng Mga Gabay at Listahan ng Rekomendasyon at Paggawa ng Mga Listahang Kung Nagustuhan Mo Ang…
- Tandaang i-publish ang iyong listahan kapag kumpleto na ito. Ang mga hindi na-publish na listahan ay mananatili bilang mga draft at ikaw lang ang makakakita sa mga ito.
- Mananatili ang isang item sa iyong listahan hanggang sa alisin mo ito o i-delete ang listahan, kahit wala nang kopya ng pamagat na iyon ang library.
Upang magdagdag ng webpage sa iyong listahan
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa iyong page na Mga Listahan Ko.
- I-click ang button na I-edit sa tabi ng listahang gusto mong I-edit.
- Sa page ng listahan, i-click ang button na Idagdag sa Listahan.
- I-click ang URL ng Web.
- I-type o i-paste ang webpage address. Dapat ay nagsisimula sa http:// o https:// ang isang webpage.
- Maaari ka ring magdagdag ng pamagat para sa page. Ang pamagat ay ang text na makikita mo sa iyong listahan na tumutukoy sa webpage. Kung hindi ka magdaragdag ng pamagat, gagamitin ang sariling pamagat ng webpage.
- Maaari ka ring magdagdag ng anotasyon, para magbigay ng higit pang impormasyon tungkol sa website.
- I-click ang Idagdag upang idagdag ang webpage sa listahan.
Pagdaragdag ng Pamagat sa isang Listahan mula sa Page ng Mga Detalye ng isang Pamagat
Maaari ka ring magdagdag ng pamagat sa isang listahan mula sa page ng mga detalye ng anumang pamagat.
Upang magdagdag ng pamagat mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa page ng mga detalye ng pamagat na gusto mong idagdag sa isang listahan.
- Sa kanang bahagi ng page, sa ilalim ng heading na Nakalista, i-click ang Magdagdag+, at pagkatapos ay i-click ang Mga Kasalukuyang Listahan.
- Sa popup na Idagdag sa Listahan, hanapin ang listahang gusto mo, at pagkatapos ay i-click ang Gumawa ng Draft at Idagdag o Idagdag sa Draft.
- I-click ang X para isara ang popup.
Pag-order ng Mga Item sa Iyong Listahan
Bilang default, lalabas sa ibaba ang bawat bagong item na idaragdag mo sa isang listahan.
May dalawang paraan para isaayos ang mga item sa iyong listahan:
- Pag-drag at pag-drop. Makakakita ka ng ghost image ng item habang lumilipat ito. Kapag naroon na ang item sa posisyong gusto mo, bitawan ang mouse button.
- I-click ang pataas o pababang arrow sa tabi ng item para ilipat ito pataas o pababa nang isang posisyon.
Tandaan: Para palabasin ang mga bagong item sa itaas bilang default, i-click ang icon na gear habang nag-e-edit ng anumang listahan, at pagkatapos ay i-click ang Idagdag ang mga bagong item sa itaas.