Ang isang listahan ay isang koleksyon ng mga pamagat na nauugnay sa isang partikular na paksa o ideya na pipiliin mo. Halimbawa: Ang Mga Knitting Book para sa Mga Baguhan o Ang 10 Pinakamagagandang Pelikula tungkol sa Baseball ay mga naaangkop na paksa para sa mga listahan. Bagama\’t para sa pagbabahagi ang mga listahan, maaari kang magpasya kung sino ang makakakita sa iyong listahan kapag ipa-publish mo ito.
Upang gumawa ng bagong listahan
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Listahan.
- I-click ang button na Gumawa ng Bagong Listahan.
- I-click ang Mga Gabay at Rekomendasyon.
- Piliin ang uri ng listahan na gusto mong gawin. Makakatulong ito sa iba na malaman ang tungkol sa mga content ng listahan.
- Bigyan ng pamagat ang listahan. Maaaring hanapin ng iba ang iyong listahan sa pamamagitan ng mga salitang ginamit mo, kaya gawing nakakapagbigay ng impormasyon ang pamagat.
- Magdagdag ng paglalarawan, kung gusto mong higit na ipaliwanag ang pamagat. Opsyonal lang ang paglalarawan, ngunit makakatulong ito sa iba na mahanap ang iyong listahan.
- I-click ang Idagdag sa Listahan para magdagag ng mga pamagat ng catalog o URL ng website sa iyong listahan. Para sa mga detalye, tingnan ang Pagdaragdag ng Mga Pamagat sa Mga Listahan.
- Kapag naidagdag mo na ang lahat ng iyong pamagat, i-click ang Tapos nang I-edit.
- Piliin kung sino ang makakakita sa iyong listahan.
-
- Lahat.
- Mga tao sa isang partikular na lokasyon. Kapaki-pakinabang ito para sa mga listahan ng lokal na interes, gaya ng mga proyekto sa paaralan.
- Sinumang mayroon ng link. Gamitin ito kung gusto mong magbahagi ng listahan sa isang tao, ngunit ayaw mo itong gawing available para sa lahat.
- Ako lang. Ginagawa nitong pribado ang listahan. Walang sinumang makakakita sa listahang ito kundi ikaw lang.
- I-click ang I-publish.
Mga Paalala:
- Nase-save ang bawat pagbabagong ginagawa mo sa isang listahan. Ang pinakabagong bersyon ng iyong listahan ay makikita sa seksyong Mga Draft ng iyong page na Aking Mga Listahan. Sa sandaling i-publish mo ito, lalabas ang listahan sa seksyong Na-publish.
- Maaari mong i-publish ang isang listahan kapag nagdagdag ka ng apat o higit pang item. Sino-store sa seksyong Mga Draft ng iyong page na Aking Mga Listahan ang mga listahang may mas kaunting item. Ikaw lang ang makakakita sa mga draft.
- Awtomatikong nilalagyan ng numero ang mga listahan ng Mga Nangungunang Pinili. Maaari mong alisin ang numero, o idagdag ito sa iba pang uri ng mga listahan, sa pamamagitan ng pag-click sa icon na gear kapag nag-e-edit ka ng listahan.