Dagdag pa sa mga feature para sa pamamahala ng paghahanap at paghiram na inaasahan mo, magagamit mo ang site na ito upang idagdag ang iyong mga kuro-kuro tungkol sa mga pamagat na hiniram mo mula sa iyong library. Ang content na ito ay maaaring kasingsimple lang ng one-click na star-rating na ibinigay mo sa isang DVD na hiniram mo, o maaaring isa itong detalyadong buod ng isang aklat na kakatapos mo lang basahin. Maaari ka ring magdagdag ng mga komento, sipi, rating ng kaangkupan sa edad, paunawa tungkol sa content, katulad na pamagat, at tag upang matulungan ang iba na mahanap ang item sa pamamagitan ng paghahanap. Ikaw na ang bahala kung gaano karaming content ang idaragdag mo.
Bakit Kailangang Magdagdag ng Content?
Maaaring iniisip mo na “Bakit ko pa gagawin iyon? Sobrang busy ko. At mayroon bang may pakialam sa iniisip ko?” Narito ang ilang dahilan kung bakit ka dapat maglaan ng ilang segundo upang mag-alok ng kaunting feedback tungkol sa mga pamagat na hiniram mo.
- Tulungan ang iba pang miyembro ng library. Ang bawat isa sa atin ay mayroong larangan ng interes o kahusayan. May alam ka ba tungkol sa woodworking, genealogy, o Italian cooking? May opinyon ka ba tungkol sa mga pinakamagandang aklat para sa mga nasa pre-school, o kung alin sa mga recording ni Oscar Peterson ang maituturing na klasiko? Ibahagi ito. Ang content na idaragdag mo ay magsisilbing gabay sa iba pang miyembro upang matuklasan nila ang mga item na interesante para sa kanila, at makakatulong sa kanila na alamin kung maganda ka bang “subaybayan” bilang pinagkukunan ng mga rekomendasyon.
- Tulungan ang iyong library. Alam mo naman kung gaano kahalaga ang iyong library para sa iyong komunidad. Kapag nagdagdag ka ng content sa catalog, mas magiging mahalagang asset ito sa iyong library.
- Sabihin ang iyong mga opinyon. May opinyon ang lahat tungkol sa isang pelikulang pinanood nila o isang aklat na kakabasa lang nila. Ibahagi ang sa iyo. Masaya ito.
- Subaybayan ang paghiram mo. Ang pagbibigay ng star-rating o pagkokomento sa mga pamagat ay makakatulong sa ipaalala sa iyo kung ano ang nagustuhan mo kapag pumipili ng mga bagong pamagat sa hinaharap.
Tandaan: Para sa impormasyon tungkol sa iba’t ibang uri ng impormasyon na maaari mong idagdag, basahin ang mga indibidwal na paksa ng tulong tungkol sa star-rating, mga komento, video, pag-tag, pagbubuod, mga sipi, kaangkupan sa edad, at mga paunawa tungkol sa content.