Pinapayagan ng site na ito ang napakaraming user na mag-ambag ng content. Ang system ng pag-uulat na ito ay magagamit ng iba pang user upang tumukoy ng mga hindi naaangkop na komento, listahan, at iba pang content na ginawa ng komunidad na naglalaman ng mga spoiler o hindi kainais-nais na content, o lumalabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit, habang pinapanatili ang kakayahan ng lahat na ipahayag ang kanilang sarili. Ang pag-uulat ng hindi naaangkop na content ay tinatawag na pag-flag.
Mga Uri ng Content na Ginawa ng Komunidad na Maaari Mong I-flag
Maaari mong i-flag ang anuman sa mga uri ng content na ito:
- Mga Komento
- Mga Sipi
- Mga Abiso
- Mga Buod
- Mga Video
- Mga Listahan
Paano Gumagana ang Pag-flag
Kung iuulat ng dalawang tao ang isang naka-post na content bilang naglalaman ng mga spoiler, ang komento ay awtomatikong ifa-flag bilang naglalaman ng mga spoiler.
Kung iuulat ng tatlong tao ang isang naka-post na content bilang naglalaman ng hindi kanais-nais na materyal, awtomatiko itong ifa-flag bilang naglalaman ng mga hindi kanais-nais na materyal. Sa dalawang sitwasyon na ito, hindi maaalis ang komento, ngunit maaari kang pumunta sa Mga Setting Ko at itago ang content ng mga uring ito bilang default.
Kung iuulat ng tatlong tao ang isang naka-post na content bilang lumalabag sa Mga Pamantayan sa Naaangkop na Paggamit, ang na-flag na materyal ay susuriin alinsunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo. Kung matukoy na lumalabag ang content sa Mga Pamantayan sa Naaangkop na Paggamit, maaaring alisin ang content, depende sa tinitirhang bansa ng may-akda at ng mga user na nag-flag sa materyal.
Uri ng Flag | # ng Flag | Pagkilos |
---|---|---|
Spoiler | 2 | Nagpapakita ng alerto sa spoiler. |
Hindi kanais-nais na materyal | 3 | Nagpapakita ng alerto sa hindi kanais-nais na materyal. |
Lumalabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit | 3 | Maaaring alisin, depende sa bansa ng gumawa at ulat. |
Upang mag-ulat ng hindi naaangkop na komento
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa page ng mga detalye ng isang pamagat, hanapin ang komento na gusto mong iulat.
- I-click ang icon ng flag sa ibaba ng komento.
- Piliin kung gusto mong iulat ang content bilang hindi kanais-nais, naglalaman ng mga spoiler, o lumalabag sa mga naaangkop na pamantayan sa paggamit
- Kung mag-uulat ka ng content bilang hindi kanais-nais, magdagdag ng maikling paglalarawan tungkol sa kung ano ang tinutulan mo.
- Kung mag-uulat ka ng content bilang lumalabag sa mga pamantayan sa naaangkop na paggamit, ipapakumpirma sa iyo kung nasuri mo ang mga pamantayan sa naaangkop na paggamit.
- I-click ang Isumite upang ipadala ang iyong tala.
Mga Paalala:
- Anonymous ang pag-uulat. Hindi malalaman ng may-akda ng isang na-flag na komento kung sino ang tumutol dito, at walang indikasyon sa mismong komento na na-flag ito.
- Maaari ka ring mag-ulat ng mga hindi naaangkop na listahan.
- Hindi ka maaaring mag-flag ng mga hindi naaangkop na username o tag, ngunit maaari mong iulat ang mga iyon sa iyong library.