Kung minsan, ang isang magandang sipi ay isang magandang paraan upang bigyan ang iba ng ideya tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari kung hihiram sila ng pamagat. Ang mga sipi na ibibigay mo ay makikita ng iba pang miyembro ng library kapag tiningnan nila ang page ng mga detalye ng pamagat na ito.
Bakit Kailangang Magdagdag ng Mga Sipi?
Ang mga sipi ay nagbibigay sa iba ng sample mula sa aklat o pelikula. Tumutulong ang mga ito na gabayan ang iba pang miyembro upang makatuklas ng mga item na interesante para sa kanila, at nagdaragdag ng detalye sa catalog ng iyong library. Maaari kang magdagdag ng kahit ilang sipi hangga’t gusto mo.
Sa tuwing magbabahagi ka ng sipi, magkakaroon ka ng credit sa komunidad.
Upang magdagdag ng sipi mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat
- Mag-log in sa iyong account.
- Hanapin ang pamagat na gusto mo.
- Sa page ng mga detalye ng pamagat, mag-scroll pababa hanggang sa seksyon na Aktibidad ng Komunidad.
- I-click ang tab na Mga Sipi. (Kung hindi nakikita ang tab na Mga Sipi, i-click muna ang Higit Pa.)
- I-click ang Magdagdag ng Sipi.
- I-type o i-paste ang iyong sipi sa text box.
- Kapag tapos ka na, i-click ang I-save upang idagdag ang iyong sipi sa catalog.
Upang magdagdag ng sipi sa isang item sa isang shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa shelf na naglalaman ng pamagat na gusto mo.
- I-click ang link na Magdagdag ng Mga Detalye sa tabi ng pamagat, at pagkatapos ay i-click ang Sipi.
- Sa popup na Mga Sipi, i-click ang link na Magdagdag ng Sipi.
- I-type o i-paste ang iyong sipi sa text box.
- Kapag tapos ka na, i-click ang I-save.