Magagamit mo ang mga paunawa sa content upang mag-flag ng mga pamagat na maaaring naglalaman ng hindi magandang pananalita, karahasan, sekswal na content, o mga nakakatakot na eksena. Ang mga paunawa na ibibigay mo ay matitingnan ng iba pang miyembro ng library.
Bakit Kailangang Magdagdag ng Mga Paunawa sa Content?
Ang mga paunawa sa content ay nagbibigay ng impormasyon sa iba pang miyembro ng library tungkol sa ilang partikular na uri ng content, kung sakaling gusto nilang iwasan ang nasabing materyal.
Upang magdagdag ng paunawa sa content mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat
- Mag-log in sa iyong account.
- Hanapin ang pamagat na gusto mo.
- Sa page ng mga detalye ng pamagat, mag-scroll pababa hanggang sa seksyon na Aktibidad ng Komunidad.
- I-click ang tab na Mga Paunawa. (Kung hindi nakikita ang tab na Mga Paunawa, i-click muna ang Higit Pa.)
- I-click ang Magdagdag ng Mga Paunawa.
- Sa popup na Mga Paunawa, i-click ang check box para sa paunawa na sa tingin mo ay naaangkop.
- Kung pipiliin mo ang Iba Pa, magdagdag ng paliwanag.
- Kapag tapos ka na, i-click ang I-post ang Paunawa upang idagdag ang iyong paunawa sa talaan ng catalog ng pamagat.
Upang magdagdag ng paunawa sa content sa isang item sa isang shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa shelf na naglalaman ng pamagat na gusto mo.
- I-click ang link na Magdagdag ng Mga Detalye sa tabi ng pamagat, at pagkatapos ay i-click ang Mga Paunawa.
- Sa popup na Mga Paunawa, i-click ang check box para sa paunawa na sa tingin mo ay naaangkop.
- Sa popup na Mga Paunawa, i-click ang check box para sa paunawa na sa tingin mo ay naaangkop.
- Kung pipiliin mo ang Iba Pa, magdagdag ng paliwanag.
- Kapag tapos ka na, i-click ang I-post ang Paunawa.
Tandaan: Maaari kang gumamit ng rating ng kaangkupan sa edad kasabay ng iyong paunawa sa content.