Gumamit ng mga buod upang magbigay ng balangkas tungkol sa isang pamagat. Ang iyong buod ay makikita ng iba pang user kapag tumingin sila ng impormasyon tungkol sa pamagat na ito.
Bakit Kailangang Magdagdag ng Buod?
Ang mga buod ay nakakatulong sa ibang user na suriin ang isang pamagat kapag tinitingnan nila ang bibliograpikong impormasyon nito, nakakatulong sa kanila na tukuyin kung maganda kang “subaybayan” bilang pinagkukunan ng mga rekomendasyon, at nagdaragdag ng detalye sa catalog ng iyong library.
Maaari kang magdagdag ng buod mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat, o mula sa isa sa iyong mga shelf.
Sa tuwing magdaragdag ka ng buod sa isang pamagat, magkakaroon ka ng credit sa komunidad.
Upang magdagdag ng buod
- Mag-log in sa iyong account.
- Hanapin ang pamagat na gusto mo.
- Sa page ng mga detalye ng pamagat, mag-scroll pababa hanggang sa seksyon na Aktibidad ng Komunidad.
- I-click ang tab na Buod. (Kung hind nakikita ang tab na Buod, i-click muna ang Higit Pa.)
- I-click ang Magdagdag ng Buod.
- Sa popup na Buod, ilagay ang iyong mga tala sa text box. Maaari kang gumamit ng hanggang 4000 character, o humigit-kumulang 600 salita.
- Kapag tapos ka na, i-click ang I-post ang Buod upang idagdag ang iyong buod sa talaan ng catalog ng pamagat.
Upang magdagdag ng buod mula sa isang shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa shelf na naglalaman ng pamagat.
- I-click ng link na Magdagdag ng Mga Detalye sa tabi ng pamagat, at pagkatapos ay i-click ang Buod.
- Sa popup na Magdagdag ng Buod, i-type o i-paste ang iyong mga kuro-kuro sa text box. Maaari kang magdagdag ng hanggang 4000 character, o humigit-kumulang 600 salita.
- Kapag tapos ka na, i-click ang I-post ang Buod upang idagdag ang iyong buod sa talaan ng catalog ng pamagat.
Tandaan: Idinisenyo ang mga buod upang makapagbigay ka ng maikling buod ng kuwento para sa isang fiction na akda o pelikula, o isang balangkas ng content para sa isang dokumentaryo o non-fiction na aklat. Upang ibigay ang iyong opinyon tungkol sa pamagat, magdagdag ng Komento.