Ang mga star rating ay ang pinakamadaling paraan upang ipaalam sa iba kung ano ang palagay mo tungkol sa isang pamagat.
Bakit Kailangang Magdagdag ng Mga Star Rating?
Ang mga star rating ay nagsisilbing gabay para sa iba pang miyembro upang matuklasan nila ang mga item na interesante para sa kanila. Ang anumang pamagat na irerekomenda mo sa iba pang user na “sumusubaybay” sa iyo. Ang mga star rating ay ina-average sa lahat ng miyembro na magbibigay ng rating para sa isang partikular na pamagat, at makakatulong rin sa catalog ng iyong library sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga de-kalidad na item.
Maaari kang magdagdag ng mga star rating sa isang pamagat mula sa:
- page ng mga detalye ng pamagat,
- iyong page na Na-check Out,
- iyong mga shelf na Natapos Na o Kasalukuyang Ginagamit.
Sa page ng mga detalye ng isang pamagat, ang mga orange star ay ang average na rating ng lahat ng nagbigay ng rating para dito.
► Upang magbigay ng star rating
- Mag-log in sa iyong account.
- Hanapin ang pamagat na gusto mong bigyan ng rating.
- I-click ang bilang ng mga star na sa tingin mo ay nararapat para sa isang pamagat. Maaari kang magdagdag ng pakala-kalahating star upang maging mas tumpak.
- Upang baguhin ang rating, mag-click ng ibang bilang ng mga star.
- Upang alisin ang iyong rating, itapat ang iyong pointer sa kanan ng huling star, at pagkatapos ay i-click ang x kapag lumabas ito.