Kung minsan, hindi sapat ang mga salita. Para sa mga pagkakataong iyon, maaari kang mag-attach ng video sa isang item sa iyong mga shelf upang tulungan ang iba pang tagatangkilik na magpasya kung gusto nila itong hiramin. Ilang uri ng mga video na maaari mong idagdag sa isang pamagat:
- Mga panayam sa mga may-akda tungkol sa isang akda, o footage ng may-akda habang nagbabasa mula sa kanyang aklat
- Mga trailer ng pelikula
- Mga music video
- Mga video na ikaw mismo ang gumawa na naglalarawan ng iyong reaksyon sa isang aklat o pelikula, o nagpapakita ng isang aspeto ng pamagat na hiniram mo
Kung available ang isang video sa YouTube, Vimeo, SchoolTube o TeacherTube, maaari mo itong idagdag sa isang pamagat.
Bakit Kailangang Magdagdag ng Video?
Ang mga video ay nakakatulong sa iba pang miyembro ng library na makatuklas ng mga item na interesante para sa kanila, at nagdaragdag ng detalye sa catalog ng iyong library.
Upang magdagdag ng video mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat
- Mag-log in sa iyong account.
- Hanapin ang pamagat na gusto mo.
- Sa page ng mga detalye ng pamagat, mag-scroll pababa hanggang sa seksyon na Aktibidad ng Komunidad.
- Kung hindi nakikita ang tab na Video, i-click ang Higit Pa, at pagkatapos ay i-click ang Mga Video.
- Magbukas ng bagong window ng browser at hanapin ang video na gusto mo sa YouTube, Vimeo, SchoolTube, o TeacherTube. Kopyahin ang URL nito mula sa iyong browser.
- Bumalik sa window ng catalog, at pagkatapos ay i-paste ang URL sa Video box. Makakakita ka ng preview upang makita mo kung tama ang nakuha mong video.
- Magdagdag ng pamagat para sa video. Halimbawa, “Trailer ng Wizard of Oz”. Direkta itong lalabas sa ibaba ng window ng video.
- Magdagdag ng paglalarawan ng video. Opsyonal lang ang paglalarawan.
- Kapag tapos ka na, i-click ang I-post ang Video.
Upang i-play ang video, i-click ang tab na Mga Video sa ilalim ng Aktibidad ng Komunidad, at pagkatapos ay i-click ang video.
Upang magdagdag ng video mula sa isang shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa shelf na naglalaman ng pamagat na gusto mo.
- Magbukas ng bagong window ng browser at hanapin ang video na gusto mo sa YouTube, Vimeo, SchoolTube, o TeacherTube. Kopyahin ang URL o embed code nito.
- Bumalik sa iyong window ng catalog.
- I-click ang link na Magdagdag ng Mga Detalye sa tabi ng pamagat, at pagkatapos ay i-click ang Video.
- Sa popup na Video, magdagdag ng pamagat para sa iyong video.
- Magdagdag ng paglalarawan ng video. Opsyonal lang ang paglalarawan.
- I-paste ang URL o embed code ng video na kinopya mo mula sa site ng video.
- Kapag tapos ka na, i-click ang I-save upang idagdag ang iyong video sa page ng mga detalye ng pamagat.
Mga Paalala:
- Maaari kang magdagdag ng kahit lang video hangga’t gusto mo, ngunit isang video lang ang maaaring ilagay para sa bawat pamagat.
- Kung may sarili kang video na gustong idagdag, kakailanganin mong gumawa ng YouTube account at i-upload muna ang video bago mo ito idagdag sa isang pamagat sa iyong mga shelf. Tumatanggap ang YouTube ng iba’t ibang format ng video file na compatible sa mga Windows, Mac at mobile device, kasama na ang MOV, MPEG4, MP4, AVI, WMV, MPEGPS, FLV, 3GPP, at WebM.
- Upang makapanood ng video, kailangang naka-install para sa iyong web browser ang Flash Player mula sa Adobe Systems. Kung kaya mong mag-play ng mga video sa YouTube, makikita mo ang mga ito sa iyong library account.