Maaaring may ilang pamagat sa iyong mga shelf na ayaw mong makita ng iba. Kung ganoon, maaari mong itago ang mga pamagat na ito mula sa pampublikong view ng iyong mga shelf. Kapag tiningnan ng ibang miyembro ng library ang iyong shelf, hindi lalabas ang pamagat o ang anumang komento o tag na idinagdag mo rito.
Upang itago ang pamagat ang mga content nito mula sa pampublikong view
- Mag-log in sa iyong account.
- Pumunta sa shelf na naglalaman ng pamagat na gusto mong gawing pribado.
- I-click ang link na Magdagdag ng Mga Detalye sa tabi ng pamagat na gusto mong panatilihing pribado.
- Sa ibaba ng menu, i-click ang checkbox ng Panatilihing pribado ang item na ito.
Mga Paalala:
- Kapaki-pakinabang ang pagbubukod ng mga item mula sa pampublikong view kapag gumagawa ka ng mga draft ng isang komento o buod at hindi ka pa handang ibahagi ang iyong akda sa iba. Kapag okay ka na sa iyong kontribusyon, i-uncheck ang checkbox ng Panatilihing pribado ang item na ito, at makikita ng iba pang miyembro ng library ang natapos mo nang akda.
- Maaari mo ring gawing pribado ang isang listahan. Para sa mga detalye, basahin ang Mga Listahan Ko.
- Maaari mong gawing pampubliko ang isang pamagat, ngunit magdagdag ng pribadong tala rito. Para sa mga detalye, basahin ang Mga Pribadong Tala.
Upang tumukoy ng default na setting ng privacy para sa isang shelf
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, sa ilalim ng heading na Privacy, hanapin ang iyong setting ng Mga Shelf Ko.
- I-click ang Baguhin.
- Gamitin ang mga checkbox para sa mga shelf na Natapos Na, Kasalukuyang Ginagamit at Para Mamaya upang tukuyin kung pampubliko (nakikita ng lahat) o pribado ang mga bagong item na idaragdag mo sa bawat isa sa mga shelf na ito.
- I-click ang I-save ang Mga Pagbabago.
Mga Paalala:
- Ang setting ng privacy para sa isang shelf ay makakaapekto lang sa mga pamagat na idaragdag mo pagkatapos mong gumawa ng pagbabago. Hindi ito makakaapekto sa privacy ng mga pamagat na nasa shelf na.
- Kapag ginawa mong pribado ang iyong mga shelf, hindi makikita ng iba pang user ng library ang mga rating, komento at iba pang content na idaragdag mo sa isang pamagat.