Magagamit mo ang mga page na Mga Kagustuhan sa Account upang:
- pamahalaan ang iyong mga naka-save na paghahanap,
- tukuyin ang iyong default na lokasyon ng pagkuha, at i-enable ang mga pagpapareserba sa pamamagitan ng iisang pag-click,
- tukuyin ang iyong default na wika (kung nasa mahigit sa isang wika ang catalog ng iyong library)
- tukuyin kung gusto mong makakita ng mga alerto sa spoiler at iba pang na-flag na content o hindi, at
- i-enable o i-disable ang history ng paghiram.
Upang baguhin ang iyong mga kagustuhan sa account
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, hanapin ang seksyon na Mga Kagustuhan sa Account.
- I-click ang Baguhin sa tabi ng setting na gusto mong baguhin.
Mga Na-save na Paghahanap
Kung madalas mong hanapin ang magkakaparehong bagay sa catalog ng library, maaari mong i-save ang iyong mga paghahanap, nang sa gayon ay mabilis mong mapatakbong muli ang mga ito kapag gusto mo. Maaari ka ring mag-edit at mag-delete ng mga naka-save na paghahanap.
Upang patakbuhin o pamahalaan ang iyong mga naka-save na paghahanap
- Mula sa page na Mga Setting Ko, pumunta sa page na Mga Naka-save na Paghahanap.
- I-click ang isang pangalan ng paghahanap upang patakbuhin ito, o i-click ang checkbox nito upang i-delete ito.
Para sa higit pang impormasyon, basahin ang Pag-save ng Mga Paghahanap at Pamamahala at Pagpapatakbo ng Mga Naka-save na Paghahanap.
Mga Pag-hold at Pagkukunang Lokasyon
Kung mayroong mahigit isang sangay o lokasyon ang iyong library, at mas madalas mong gamitin ang ilan kaysa sa iba, maaari kang tumukoy nang hanggang tatlong lokasyon bilang pinakaginagamit mo. Ang unang lokasyon na tutukuyin mo ay ang iyong default na lokasyon ng pagkuha. Kung naka-log in ka at nagpareserba ka, ipapakita ang lokasyong ito, nang sa gayon ay hindi mo ito kailangang piliin nang piliin.
Nakakaapekto ang lahat ng lokasyon sa mga resulta ng paghahanap. Ang isang item na lumalabas sa mga resulta ng paghahanap ay magkakaroon ng label na Available sa gustong lokasyon, Available sa ilang lokasyon, o Walang available na kopya. Maaari itong maging kapaki-pakinabang sa iyo kung nakatira ka malapit sa isang sangay at nagtatrabaho malapit sa isa pang sangay, at gusto mong matukoy kung alin ang may available na kopya ng item na gusto mo. Kung iisa lang ang lokasyon ng iyong library, wala kang makikitang page na Mga Pagpapareserba at Lokasyon ng Pagkuha sa iyong Mga Kagustuhan sa Account.
Upang magbago o magdagdag ng lokasyon ng pagkuha
- Mula sa page na Mga Setting Ko, pumunta sa page na Mga Pagpapareserba at Lokasyon ng Pagkuha.
- Ipapakita ang iyong kasalukuyang default na lokasyon ng pagkuha. Upang baguhin ito, pumili ng iba mula sa dropdown na listahan.
- Upang magdagdag ng isa pang branch, i-click ang Magdagdag ng Isa Pang Lokasyon, at pagkatapos ay piliin ang branch mula sa dropdown na listahan.
- I-click ang I-save ang Mga Pagbabago.
Tandaan: Kapag na-enable ang Mga Pagpapareserba sa Pamamagitan ng Iisang Pag-click, hindi mo na kailangang kumpirmahin ang iyong default na lokasyon ng pagkuha. Gaya ng isinasaad ng pangalan nito, isasagawa ang iyong pagpapareserba kapag na-click mo ang button na Magpareserba. Para sa mga detalye, basahin ang Pag-enable ng Mga Pagpapareserba sa Pamamagitan ng Iisang Pag-click.
Mga Default ng Content ng Komunidad
Ang catalog ay nagbibigay-daan sa napakaraming user na mag-ambag ng content. Ang system ng pag-uulat na ito ay magagamit ng iba pang user upang tumukoy ng mga hindi naaangkop na komento at iba pang content na ginawa ng komunidad na naglalaman ng mga spoiler o hindi kainais-nais na content, habang pinapanatili ang kakayahan ng lahat na ipahayag ang kanilang sarili.
Bilang default, ang nasabing content ay makikita, ngunit may markang Na-tag bilang Hindi Kanais-nais o Naglalaman ng Mga Spoiler. Kung ayaw mong makita ang content na ito, i-on ang mga setting na ito.
Matitingnan mo ang mga indibidwal na komento anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa link na Ipakita.
Upang magtago ng na-flag na content
- Mula sa page na Mga Setting Ko, pumunta sa page na Mga Default para sa Content ng Komunidad.
- I-click ang naaangkop na setting upang i-on ito.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pag-flag ng hindi naaangkop na content at mga spoiler, basahin ang Pag-uulat ng Hindi Naaangkop na Content.
History ng Paghiram
Hindi itinatala ng iyong library ang iyong paghiram nang wala ang iyong pahintulot. Gayunpaman, kapag na-enable mo ang feature na History ng Paghiram, ang system ay magsisimulang gumawa ng listahan ng lahat ng pamagat na hihiramin mo.
Upang i-enable ang history ng paghiram
- Mula sa page na Mga Setting Ko, pumunta sa page na History ng Paghiram.
- I-click ang setting upang i-on ito.
Para sa higit pang detalye tungkol sa feature na ito, basahin ang History ng Paghiram.
Tandaans:
- Kung wala kang nakikitang opsyon na History ng Paghiram sa ilalim ng Mga Kagustuhan sa Account, maaaring hindi naka-enable ang feature na ito sa iyong library.
- Ang History ng Paghiram ay iba sa iyong shelf na Natapos Na. Sino-store ng iyong shelf na Natapos Na ang bawat item na binibigyan mo ng rating o kinokomentuhan. Maaari ka ring magdagdag ng mga pamagat nang direkta sa shelf na ito, gaya ng mga aklat na mayroon ka sa bahay. Sinusubaybayan ng History ng Paghiram ang mga item na hinihiram mo mula sa iyong library. Hindi ka maaaring magdagdag ng mga item sa page na ito.