Kasama ng iyong user name o library card number (barcode), bibigyan ka ng iyong library ng PIN o password, upang magkaroon ka ng secure na access sa iyong library account. Karaniwan itong binubuo ng 4 hanggang 10 digit. Mula sa iyong library ang PIN/password, ngunit maaari (at dapat) mo itong baguhin.
Kung nakalimutan mo ang iyong PIN/password, gamitin ang prosesong ito upang i-reset iyon.
Upang i-reset ang iyong PIN/Password
- Sa page na Mag-log in, i-click ang link na Nakalimutan ang iyong PIN.
- Sa page na Nakalimutan ang iyong PIN, ilagay ang iyong barcode.
- I-click ang Ipadala.
- Pagkalipas ng ilang segundo, magpapadala ng email sa email address na nauugnay sa iyong account.
- Buksan ang email at i-click ang link upang ilunsad ang iyong browser.
- Sa page na I-reset ang PIN, ilagay ang iyong barcode. Maglagay ng bagong PIN, at pagkatapos ay kumpirmahin ito sa pamamagitan ng muling pagta-type nito.
- I-click ang I-save.
Gamitin ang bagong PIN/password sa susunod na pagkakataong mag-log in.
Mga Paalala:
- Kung hindi mo alam ang iyong library barcode number, makipag-ugnayan sa iyong library.
- Kung wala kang email address na nauugnay sa iyong account, hilingin sa iyong library na ibigay sa iyo ang PIN mo o i-reset ito para sa iyo.