Kinokontrol ng mga setting ng privacy kung ibabahagi sa iba pang user ng library ang iyong mga interaksyon sa mga item sa catalog o hindi—mga bagay na binibigyan mo ng rating o kinokomentuhan, mga bagay na idinaragdag mo sa iyong mga shelf o listahan.
Upang tingnan ang iyong mga setting ng privacy
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, hanapin ang seksyon na Privacy.
Privacy ng Shelf
Mayroon kang tatlong “shelf” upang subaybayan ang mga bagay na hinihiram mo. Ang shelf na Natapos Na ay kung saan mo maso-store ang lahat ng binasa, pinanood o pinakinggan mo. Ang shelf na Kasalukuyang Ginagamit ay kung saan matatagpuan ang mga kasalukuyan mong binabasa, pinapanood, o pinapakinggan. Ang shelf na Para Mamaya ay parang isang wish list, kung saan mo masusubaybayan ang mga bagay na gusto mong hiramin sa hinaharap.
Magagamit mo ang mga setting ng privacy ng shelf upang kontrolin kung makikita ng iba pang user ng library ang mga item na idaragdag mo sa mga shelf na ito o hindi bilang default. Kung naka-off ang mga setting na ito, magiging nakabahagi ang anumang idaragdag mo—at makikita ng iba. Kung pinaplano mong magdagdag ng mga rating o komento sa mga bagay na hiniram mo, dapat mong gawing nakabahagi ang mga ito. Kung hindi, walang makakakita sa iniambag mo.
Kung gusto mo, maaari mong panatilihing pribado ang ilan sa o lahat ng iyong shelf.
Upang baguhin ang iyong mga setting ng privacy ng shelf
- Sa seksyon na Privacy, sa tabi ng Mga Shelf Ko, i-click ang Baguhin.
- Sa page na Mga Shelf Ko, i-click ang checkbox sa tabi ng bawat shelf na gusto mong baguhin.
- I-click ang I-save ang Mga Pagbabago.
Anuman ang iyong default na setting ng shelf, maaari mong gawing pribado o nakabahagi ang mga indibidwal na item. Basahin ang Pagbubukod ng Pamagat mula sa Nakabahaging View. Magagamit mo ito upang ibahagi sa iba ang karamihan sa iyong mga item, at panatilihing pribado ang ilang pamagat kung gusto mo.
Tandaan: Maaari mo ring gawing pribado ang isang listahan. Para sa mga detalye, basahin ang Paggawa ng Mga Listahan.
Privacy ng Feed ng Aktibidad
Itinatala ng iyong feed ng aktibidad ang mga interaksyon mo sa mga item sa catalog, at sa content na ginawa ng iba pang user ng library. Ipinapakita nito ang:
- mga item na idinaragdag mo sa iyong mga shelf,
- mga listahang ginagawa mo,
- mga komento at rating na idinaragdag mo sa mga partikular na pamagat,
- mga listahan o komento ng iba na na-like mo.
Ang iyong kamakailang aktibidad ay lalabas sa page ng iyong profile. Bilang default, nakabahagi ito at makikita ng sinumang titingin sa page ng iyong profile. Makikita ng iba pang user ng library na sumusubaybay sa iyo ang iyong mga rating, komento, listahan, at like sa kanilang page na Newsfeed.
Kung gusto mo, maaari mong panatilihing pribado ang iyong kamakailang aktibidad. Kung gagawin mo iyon, hindi makikita ng iba pang tagatangkilik na sumusubaybay sa iyo ang iyong mga komento, rating, o iba pang aktibidad sa kanilang mga newsfeed.
Upang baguhin ang iyong setting ng privacy ng mga feed
- Sa seksyon na Privacy, sa tabi ng Mga Feed Ko, i-click ang Baguhin.
- Sa page na Mga Feed Ko, i-click ang checkbox upang gawing pribado ang iyong mga feed.
- I-click ang I-save ang Mga Pagbabago.
Tandaan: Kung gusto mong panatilihing nakabahagi ang iyong feed, maaari mong gawing pribado ang mga indibidwal na item sa iyong feed. Makikita mo ang mga iyon, ngunit hindi ng iba. Maaari ka ring ganap na mag-alis ng mga item mula sa iyong feed.
Ang mga mabisang control sa privacy ay napakahalaga sa pagkakaroon ng mga komunidad na bukas at nagtutulungan. Upang matuto pa tungkol sa aming mga pamantayan sa privacy, sumangguni sa aming Patakaran sa Privacy. Mayroong link papunta sa Patakaran sa Privacy sa ibaba ng bawat page.