Kung palagi mong kinukuha sa iisang lokasyon ang mga item na hinihiram mo, maaari mong i-configure ang iyong account upang magpareserba sa pamamagitan ng iisang pag-click. Gamit ang pagpapareserba sa pamamagitan ng iisang pag-click, hindi mo na kailangang pumili ng lokasyon ng pagkuha at palagi itong magde-default sa parehong lokasyon ng pagkuha.
Upang mag-enable ng mga pagpapareserba sa pamamagitan ng iisang pag-click
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, hanapin ang seksyon na Mga Kagustuhan sa Account.
- Sa tabi ng Mga Pagpapareserba at Lokasyon ng Pagkuha, i-click ang Baguhin.
- I-click ang setting ng Mga Pagpapareserba sa Pamamagitan ng Iisang Pag-click.
- I-click ang I-save ang Mga Pagbabago.
Mga Paalala: Maaari mo ring i-enable ang Mga pagpapareserba sa pamamagitan ng iisang pag-click mula sa iyong page na Nakareserba, at kapag nagpareserba ka.
Pagbabago ng Iyong Lokasyon ng Pagkuha
Pagkatapos mong i-enable ang mga pagpapareserba sa pamamagitan ng iisang pag-click, maaari mo pa ring baguhin ang iyong default na lokasyon ng pagkuha.
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, hanapin ang seksyon na Mga Kagustuhan sa Account.
- Ang iyong kasalukuyang default na lokasyon ng pagkuha ay ipinapakita sa ilalim ng Mga Pagpapareserba at Lokasyon ng Pagkuha. I-click ang Baguhin upang pumili ng bago.
- Pumili ng bagong lokasyon ng pagkuha mula sa dropdown na listahan.
- I-click ang I-save ang Mga Pagbabago.