Ang pinakamadaling paraan upang maghanap sa catalog ng library ay ang pag-type ng isa o higit pang salita sa kahon para sa paghahanap sa itaas ng page, at pagkatapos ay pag-click sa button na Maghanap (ang magnifying glass). Makikita sa mga resulta ng paghahanap ang mga item na naglalaman ng mga termino para sa paghahanap sa field ng pamagat o may-akda, o sa mga heading o tag.
Kung gusto mong maghanap ng eksaktong grupo ng mga salita, gaya ng global warming, hindi mo kailangang ipaloob sa panipi ang mga ito, gaya ng gagawin mo sa ilang search engine. I-type lang ang mga salita. Ang mga item na lalabas sa itaas ng mga resulta ng paghahanap ay ang mga item na naglalaman ng pariralang global warming sa pamagat.
Kung alam mo ang may-akda o ilang salita sa pamagat, maaari mong limitahan ang iyong paghahanap sa pamamagitan ng pagpili sa May-akda o Pamagat mula sa dropdown na listahan. Maaari ka ring maghanap ayon sa heading ng Paksa o Tag.
Paano Gumagana ang Paghahanap
Ang mga resulta ng paghahanap ay nakaayos ayon sa pinakamalapit na tugma. Ang mga item sa itaas ng mga resulta ng paghahanap ay ang mga item na naglalaman ng eksaktong text na hinahanap mo, sa eksaktong pagkakasunud-sunod ng pagkaka-type mo sa mga ito (kung gumamit ka ng mahigit sa isang salita). Pagkatapos ng mga eksaktong tugma, bibigyan naman ng priyoridad ang mga salita sa pamagat, na susundan naman ng pangalan ng may-akda, mga heading, at mga tag. Ang mga sikat na pamagat ay mauunang ipakita kumpara sa mga hindi gaanong kasikat na pamagat.
Maaari mong i-filter ang iyong mga resulta ng paghahanap sa pamamagitan ng pagpili mula sa mga heading sa kaliwa ng page. Para sa higit pang detalye, basahin ang Pag-filter ng Mga Resulta ng Paghahanap at Shelf.
Mga Tala
- Binabalewala ang malalaking titik, espasyo at bantas, kaya ang paghahanap ng J.K. Rowling ay kapareho lang ng paghahanap ng j k rowling.
- Kung alam mo ang eksaktong ISBN number ng isang aklat, maaari mo itong ilagay sa kahon para sa paghahanap.
- Sa iyong mga resulta ng paghahanap, maaari mong i-click ang pangalan ng isang may-akda o artist upang magsagawa ng bagong paghahanap para sa mga item mula sa may-akda o artist na iyon.
- Maaari kang maghanap ayon sa call number kung ipapaloob mo sa panipi ang buong call number. Halimbawa, “J FIC Rowli”.
Mga Advanced na Paghahanap
Ang quick search na nakikita sa itaas ng bawat page ay makakapagbigay ng mga nauugnay na resulta para sa karamihan ng bagay na hahanapin mo. Para sa mga pagkakataon kung saan may partikular na bagay kang hinahanap, maaari mong gamitin ang Advanced na Paghahanap. Mayroon itong mga tool na magagamit mo upang ilarawan kung saan at kung paano mo mismo gustong maghanap. Maaari kang magsagawa ng mga Boolean search gamit ang mga kontrol sa page na ito, o sa pamamagitan ng direktang pagta-type sa custom na Boolean query box. Upang gumawa ng advanced na paghahanap, i-click ang link na Advanced na Paghahanap sa itaas ng page.
Para sa mga detalye, basahin ang Paggamit ng Advanced na Paghahanap.
Pagpapalawak sa Iyong Paghahanap
Kapag nagsagawa ka ng paghahanap gamit ang keyword na may mahigit sa isang termino, lalabas sa itaas ng mga resulta ang mga item na naglalaman ng lahat o halos lahat ng iyong termino para sa paghahanap. Habang dumarami ang mga salita sa iyong paghahanap, mababawasan ang mga resulta.
Sa itaas ng page, makakakita ka ng link na Palawakin ang iyong paghahanap. I-click ang link upang muling isagawa ang paghahanap para sa mga item na naglalaman ng anuman sa iyong mga termino para sa paghahanap. Unang lalabas ang mga item na naglalaman ng lahat o halos lahat sa mga termino. Halimbawa, ipagpalagay na hinanap mo ang electrical appliance repair, at wala kang nakuhang resulta. Kung gagamitin mo ang link na Palawakin ang iyong paghahanap, makakakita ka ng ilang pamagat, kasama na ang mga pamagat na tungkol sa appliance repair. Upang mas marami kang mahanap na item, ang mga panuntunan sa paghahanap ay ginagawang mas maluwag ng feature na palawakin ang iyong paghahanap.