Kung pana-panahon kang naghahanap ng mga pamagat mula sa iisang may-akda, o tungkol sa iisang paksa, maaari mong i-save ang iyong paghahanap at patakbuhin itong muli sa ibang pagkakataon. Makakatipid ka ng oras sa tulong nito, lalo na kung kumplikado ang ginagawa mong paghahanap.
Upang mag-save ng paghahanap
- Mag-log in sa iyong account. Dapat ay naka-log in ka upang makapag-save ng paghahanap.
- Patakbuhin ang iyong paghahanap. Basahin ang Paggamit ng Advanced na Paghahanap at Pagsusulat ng Sarili Mong Mga Query para sa impormasyon tungkol sa paggawa ng mga kumplikadong paghahanap.
- Kung kinakailangan, gawing mas partikular ang iyong mga resulta sa pamamagitan ng paglalapat ng mga facet sa kaliwang bahagi ng page. Basahin ang Pag-filter ng Mga Resulta ng Paghahanap para sa mga detalye.
- Kapag napino mo na ang iyong paghahanap, i-click ang link na I-save ang Paghahanap sa itaas ng mga resulta ng paghahanap.
- Bigyan ang naka-save na paghahanap ng pangalan na madali mong matutukoy sa ibang pagkakataon. Kung mayroon ka nang paghahanap na ganoon ang pangalan, magkakaroon ka ng opsyon na pumili ng bagong pangalan o i-overwrite ang kasalukuyan mong naka-save na paghahanap.
- I-click ang I-save ito.
Maaari mong i-edit ang iyong mga naka-save na paghahanap pagkatapos mong i-save ang mga ito. Basahin ang Paggamit at Pamamahala ng Mga Naka-save na Paghahanap para sa mga detalye.