Ang kahon para sa paghahanap na nakikita sa itaas ng bawat page ay makakapagbigay ng mga nauugnay na resulta para sa karamihan ng bagay na hahanapin mo. Mayroon itong default na paghahanap gamit ang keyword na may mga karagdagang opsyon, at naka-tune ang bawat isa sa mga ito upang makapagbigay ng mga kumpletong resulta para sa halos lahat ng uri ng paghahanap.
Para sa mga pagkakataon kung saan may partikular na bagay kang hinahanap, maaari mong gamitin ang Advanced na Paghahanap. Mayroon itong mga tool na magagamit mo upang ilarawan kung saan at kung paano mo mismo gustong maghanap. Maaari kang magsagawa ng mga Boolean search gamit ang mga kontrol sa page, o sa pamamagitan ng direktang pagta-type sa advanced na Boolean query box.
Tungkol sa Mga Boolean Search
Ang isang Boolean search ay gumagamit ng mga panaklong upang pagpangkatin ang mga termino at “operator” gaya ng AND, OR, o NOT nang sa gayon ay malimitahan ang mga resulta ng paghahanap. Kapag hinanap mo ang potter NOT harry, ang lalabas ay mga pamagat mula kay Beatrix Potter, at hindi tungkol kay Harry Potter. Sa page ng advanced na paghahanap, maaari din itong ilagay bilang (potter) -(harry). Sa katulad na paraan, ang hahanapin para sa ( (mark twain) OR (samuel clemens) ) AND (tom sawyer) ay sina Mark Twain o Samuel Clemens, at si Tom Sawyer.
Paggawa ng Mga Query
Maaari mong gamitin ang mga tool sa page upang gumawa ng query. Para sa karamihan ng mga tao, ito ang pinakaangkop na opsyon para sa pagsasagawa ng advanced na paghahanap nang hindi kinakailangang alamin kung paano nakaayos ang impormasyon ng catalog ng library. Ang mga opsyong pipiliin mo ay lalabas sa custom na Boolean query box.
Upang gumawa ng query
- Tukuyin kung gusto mong lumabas sa mga resulta ng paghahanap ang lahat ng iyong termino para sa paghahanap, o anuman sa mga ito. Para sa lahat, dapat ilagay ang AND sa query box; para sa Anuman, dapat ilagay ang OR.
- Sa seksyong Naglalaman ng, tukuyin ang mga field sa catalog na gusto mong hanapin, at pagkatapos ay ilagay ang salita o parirala na gusto mong hanapin. Halimbawa, Pamagat at canadian immigration.
- Upang maghanap ng mga karagdagang field, i-click ang link na Magdagdag Pa, at pagkatapos ay ulitin ang hakbang #2.
- Upang magbukod ng ilang partikular na pamagat, pumili ng mga field at maglagay ng mga termino sa seksyong ngunit huwag isama ang. Halimbawa, kung gusto mong maghanap ng impormasyon tungkol sa Canadian immigration, ngunit gusto mong ibukod ang data ng census, maaari mong piliin ang Pamagat at pagkatapos ay ilagay ang census.
- Upang magbukod ng mga karagdagang termino, i-click ang link na Magdagdag Pa, at pagkatapos ay ulitin ang hakbang #4.
- Sa seksyong Limitahan ang aking paghahanap ayon sa, tumukoy ng mga karagdagang opsyon sa paghahanap upang limitahan ang iyong paghahanap. Halimbawa, tutukoy ka lang ng mga item na available sa iyong branch, mga item lang na nasa wikang Spanish, at marami pa.
- Kapag tapos ka nang gawin ang iyong query, suriin ito sa custom na Boolean query box, at pagkatapos ay i-click ang Maghanap.
Pagsusulat ng Sarili Mong Mga Query
Kung mas gusto mong sumulat ng mga sarili mong query, maaari mong i-type ang mga ito nang direkta sa custom na Boolean query box.
Halimbawa, maaari mong ilagay ang…
Anywhere:(canadian immigration) -Title:(census) language:(eng) format:(BK)
… upang maghanap ng mga aklat na nasa wikang Ingles tungkol sa Canadian immigration na walang salitang census sa pamagat.
Para sa mga detalye, basahin ang Pagsusulat ng Sarili Mong Mga Query.