Magkakasamang ipinapakita ang iyong mga naka-save na paghahanap, kaya madali mong mapapatakbo o mae-edit ang mga ito.
Upang tingnan at patakbuhin ang iyong mga naka-save na paghahanap
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, sa ilalim ng heading na Mga Kagustuhan sa Account , hanapin ang setting ng iyong Mga Naka-save na Paghahanap.
- I-click ang Baguhin.
- Sa page na Mga Naka-save na Paghahanap, i-click ang pangalan ng paghahanap upang patakbuhin ito.
Pag-edit ng Naka-save na Paghahanap
Maaari kang mag-edit ng paghahanap na na-save mo kung gusto mong baguhin ang ilan sa pamantayan sa paghahanap, ngunit ayaw mong ulitin ang paggawa sa buong paghahanap.
Upang mag-edit ng naka-save na paghahanap
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, sa ilalim ng heading na Mga Kagustuhan sa Account , hanapin ang setting ng iyong Mga Naka-save na Paghahanap.
- I-click ang Baguhin.
- Sa page na Mga Naka-save na Paghahanap, i-click ang pangalan ng paghahanap upang patakbuhin ito.
- Gawin ang isa sa mga sumusunod:
- Kung ginawa mo ang iyong paghahanap simula sa kahon para sa paghahanap sa itaas ng page, maglapat o mag-alis ng mga opsyon sa paghahanap gaya ng naaangkop.
- Kung ginawa mo ang iyong mga orihinal na pamantayan sa paghahanap sa page ng advanced na paghahanap, idagdag o alisin ang mga pamantayan na gusto mong baguhin.
- I-click ang Paghahanap.
- I-click ang link na I-save ang Paghahanap.
- Kung mas gusto mong i-save ang paghahanap gamit ang isang bagong pangalan, i-type ang pangalan.
- I-click ang I-save ito.
Pag-delete ng Naka-save na Paghahanap
Kung hindi mo na kailangan ang isang paghahanap na na-save mo, maaari mo itong i-delete sa iyong listahan ng mga naka-save na paghahanap.
Upang mag-delete ng naka-save na paghahanap
- Mag-log in sa iyong account.
- Sa menu, i-click ang Mga Setting Ko.
- Sa page na Mga Setting Ko, sa ilalim ng heading na Mga Kagustuhan sa Account , hanapin ang setting ng iyong Mga Naka-save na Paghahanap.
- I-click ang Baguhin.
- Sa page na Mga Naka-save na Paghahanap, i-click ang check box sa tabi ng pangalan ng paghahanap. Maaari kang pumili ng mahigit sa isa kung kinakailangan.
- I-click ang I-delete.