Maaari kang gumawa ng mga custom na query sa paghahanap sa pamamagitan ng direktang pagta-type ng iyong query sa advanced na Boolean query box sa page na Advanced na Paghahanap. Halimbawa, maaari mong ilagay ang…
Anywhere:(canadian immigration) -Title:(census) language:(eng) format:(BK)
… upang maghanap ng mga aklat na nasa wikang Ingles tungkol sa Canadian immigration na walang salitang census sa pamagat.
Ang impormasyon sa ibaba ay makakatulong sa iyo na gawin ang iyong mga query.
Mga Field
Ginagawang posible ng advanced na paghahanap na isaad ang uri ng impormasyon na hinahanap mo sa pamamagitan ng pagtukoy ng field sa catalog. Nasa ibaba ang isang listahan ng mga karaniwang ginagamit na field. Ang bawat field ay mayroong code na binubuo ng dalawang titik; maaaring gamitin ang alinman sa mga ito upang tumukoy ng field.
Pangalan ng Field | Field Code | Halimbawa |
Agerating | ag | ag:14A |
Anywhere | an | leprechaun or an:leprechaun |
Artist | ar | ar:beatles |
Audience | ad | ad:juvenile |
Author | au | au:enright |
Available | av | av:Main |
Award | aw | aw:giller |
Branch | br | br:Main |
Call Number | ca | ca:”J 637.4 GRE” |
Contents | cn | cn:(Hey Jude) |
ContentType | cc | cc:Fiction |
Contributor | co | co:shepard |
Edition | ed | ed:(special education edition) |
Format | fo | fo:dvd |
GeneralNote | gn | gn:(includes index) |
Genre | ge | ge:biography |
GenreHeading | gh | gh:memoire |
GenreTag | gt | gt:synthpop |
Identifier | id | id:972.81016Sch |
Language | la | la:fre |
Lexile | lx | lx:[200 TO 300] |
LocalHeading | lh | lh:local author |
Localid | li | li:436899 |
Mood | mo | mo:dark |
New | nw | nw:[0 TO 30] |
Notes | no | no:(live recording) |
OnOrder | oo | oo:(true) |
Period | pe | pe:[794 TO 1185] |
Publisher | pu | pu:groundwood |
Pubyear | py | py:[1918 TO 1939] |
Region | re | re:babylon |
Series | se | se:(bartimaeus trilogy) |
Starrating | sr |
sr:5 or
sr:[4 TO 5] |
Subject | su | su:samarkand |
SubjectHeading | sh | sh:revolutions |
Summary | sm | sm:shylock |
Tag | tg | tg:(slow food) |
Theme | th | th:energy |
Title | ti | ti:macbeth |
Topic | tp | tp:volcanoes |
TopicTheme | tt | tt:geothermal |
Upang gumawa ng paghahanap, tumukoy ng field, na sinusundan ng colon “:”, na sinusundan ng isang salita o value. Halimbawa: hahanapin ng
series:eye
ang anumang akda na bahagi ng isang serye na may salitang “eye” sa pangalan nito.
Kung hindi ka tutukoy ng field, hahanapin ng search engine ang salitang iyon kahit saan, at maghahanap ito sa lahat ng field. Hahanapin ng sumusunod na query ang “eye” sa field ng serye, at hahanapin nito ang salitang “witness” kahit saan:
series:eye witness
Gumamit ng mga panaklong upang maghanap ng mahigit sa isang salita sa loob ng isang tinukoy na field:
series:(eye witness)
Mga Boolean Operator
Maaaring pagsamahin ang mga termino para sa paghahanap gamit ang mga Boolean operator na AND, OR at NOT.
Dapat ay nasa MALALAKING TITIK ang mga Boolean operator. Gaayunpaman, hindi case sensitive ang mga field specifier at mga salita o value.
AND / OR
Ang AND ay ang default na operator kapag tumukoy ng mahigit sa isang field. Sa isang AND na operation, ipapakita ang lahat ng akda na nakakatugon sa lahat ng limitasyon sa field.
Gamitin ang OR upang hanapin ang lahat ng akda na tumutugma sa isa (ngunit hindi kinakailangang sa lahat) sa ilang limitasyon sa field.
Gumamit ng mga panaklong upang pagpangkatin ang mga clause sa iisang field, o upang pagpangkatin ang mga OR na clause. Halimbawa, upang maghanap ng akda na may pamagat na naglalaman ng “Poppins”, at nasa format na dvd o video-cassette, gamitin ang query na:
title:poppins format:(dvd OR vc)
NOT
Ibinubukod ng NOT operator ang mga akda na naglalaman ng terminong lumalabas pagkatapos ng NOT. Maaaring gamitin ang simbolong “-” kapalit ng salitang NOT, ngunit hindi ito dapat sinusundan ng espasyo. Upang maghanap ng mga akdang inilalarawan ng potter ngunit hindi ng harry, gamitin ang alinman sa mga query na ito:
Potter NOT Harry
Potter -Harry
Hindi maaaring isang termino lang ang gamitin sa NOT operator. Halimbawa, walang ibibigay na resulta ang sumusunod na paghahanap:
NOT Harry
Mga Wildcard Search
Ang mga wildcard search ay gumagamit ng espesyal na character, ang simbolong *, na maaaring palitan ng zero o higit pang character upang magkaroon ng tugma. Halimbawa, upang hanapin ang judicial, judiciary o judicious, maaari mong gamitin ang paghahanap na:
judici*
Hindi mo maaaring gamitin ang simbolong * bilang unang character sa isang paghahanap.
Magagamit din ang mga wildcard upang maghanap ng isang grupo ng mga pamagat gamit ang mga call number. Halimbawa, ca:330* o callnumber:330* (kung hindi naglalaman ng espasyo ang call number), o ca:”J 636.7*” (kinakailangan ang mga panipi kung naglalaman ng espasyo ang call number). Maaari kang gumamit ng ( * ) upang kumatawan sa maraming character o ng tandang pananong ( ? ) bilang wildcard para sa iisang character.
Maaari ka ring maghanap ng iba’t ibang item. Halimbawa: ca:[“PRE” TO “PRO”].
Mga Range Query
Magagamit mo ang mga range query upang magtugma ng mga dokumentong may mga field value na nasa pagitan ng lower at upper bound na tinukoy ng range query.
pubyear:[1960 TO 1999]
Maghahanap ito ng mga akda na inilimbag lang sa pagitan ng 1960 at 1999, inclusive.
sr:[4 TO 5]
Maghahanap ito ng mga akda na may average na star-rating na nasa pagitan ng 4 at 5.
Ang mga range query ay maaaring maging inclusive o exclusive sa mga upper at lower bound. Ang mga inclusive na range query ay isinasaad ng mga square bracket. Ang mga exclusive na range query ay isinasaad ng mga curly bracket.
Mga Escaping Character
Sinusuportahan ng Advanced na Paghahanap ang mga escaping special character na bahagi ng query syntax. Kasama sa kasalukuyang listahan ng mga espesyal na character ang
+ – && || ! ( ) { } [ ] ^ ” ~ * ? : \
Upang i-escape ang mga character na ito, maglagay ng \ bago ang character. Halimbawa, upang hanapin ang (1+1):2 gamitin ang query na:
\(1\+1\)\:2
Tandaan: Malaking bahagi ng search syntax sa Advanced na Paghahanap ang nakabatay sa Lucene.