Q: Bakit ko kailangang magparehistro?
A: Kapag nagparehistro ka, makakagawa ka ng madaling tandaang username na magagamit mo upang mag-log in, kung kaya’t hindi mo na kailangang i-type ang iyong barcode sa tuwing gusto mong tingnan ang iyong account. Kapag nagparehistro ka, makakatanggap ka rin ng mga naka-personalize na rekomendasyon, makakapagbigay ka ng mga rating at review, at makakaugnayan mo ang iyong library at iba pang mga user sa electronic na paraan.
Q: Ano ang isang username?
A: Ang username ay isang pangalan na maaari mong gamitin sa halip na ang iyong barcode upang tingnan ang iyong account. Isipin mo na lang na palayaw mo sa library ang isang username. Maaari mong gamitin ang tunay mong pangalan, ngunit inirerekomenda ang mas anonymous na pangalan. Kailangan ng mga ideya? Gamitin ang iyong mga inisyal at ang iyong street number (SDK203), ang pangalan ng iyong aso, o anumang bagay tungkol sa iyo (Twilightfan), na maikli lang at madali mong matatandaan. Tandaan na lalabas ang iyong username sa mga pampublikong komento at mensahe na ipo-post mo.
Q: Makikita ba ng iba ang aking username?
A: Oo, kung pipiliin mong mag-ambag ng mga komento, listahan, o iba pang content, lalabas ang iyong username sa tabi ng anumang iaambag mo.
Q: Paano kung mali ang aking petsa ng kapanganakan o pangalan na nasa form ng pagpaparehistro?
A: Dapat mong kumpletuhin ang pagpaparehistro online kahit na mali ang data. Hilingin sa isang miyembro ng staff sa circulation desk na i-update ang impormasyong ito sa susunod na pagpunta mo sa library upang masiguradong tama ang mga talaan ng library.
Q: Bakit ko kailangang magbigay ng email address?
A: Opsyonal ang pagbibigay ng email address. Kung ipapa-reset mo ang iyong PIN/password, magpapadala ng email na naglalaman ng link sa pag-reset. Kung hindi ka nagbigay ng email address at nakalimutan mo ang iyong PIN/password, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa library upang i-reset o i-recover ito.
Q: Ang aming pamilya ay mayroong isang email address na ginagamit naming lahat, ngunit may sari-sarili kaming library card. Maaari ba kaming magparehistro gamit ang parehong email address?
A: Oo, maaaring gamitin ng maraming library account ang parehong email address.
Q: Kapag nagparehistro ako sa unang pagkakataon, kailangan ko bang palitan ang aking PIN?
A: Hindi. Nag-aalok ang ilang library ng opsyon na magpalit ng PIN, ngunit hindi naman ito kinakailangan. Ginagamit ng maraming library ang huling apat na digit ng numero ng iyong telepono, ang iyong zip code o isang bagay na kasingdali lang hulaan. Mas magiging secure ang iyong account kung babaguhin mo ito.
Q: Dapat ko bang gamitin ang totoo kong pangalan, o dapat ba akong gumamit ng isang username?
A: Ikaw ang bahala. Tandaan na kapag nagdagdag ka ng mga komento o buod sa mga pamagat na hiniram mo, lalabas ang iyong pangalan sa tabi ng komento, at makikita ito ng iba pang miyembro. Tandaan din na ang pangalang pipiliin mo ay maaaring i-index kasama ng iyong mga pampublikong kontribusyon sa mga search engine gaya ng Google habang kino-crawl ng mga ito ang web.
Q: Bakit hindi makapag-type ng username ang aking anak kapag nagpaparehistro?
A: Para sa mga user sa United States, iniaatas ng Children’s Online Privacy Protection Act sa mga web site na nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa mga bata na humingi muna ng pahintulot mula sa magulang. Dahil dito, ang mga batang wala pang 13 taong gulang ay hindi pinapayagang ipakita ang tunay nilang mga pangalan, at hindi rin sila maaaring mag-type ng sarili nilang mga username, maglagay ng mga komento, o magdagdag ng iba pang uri ng content na kailangang i-type, dahil maaaring gamitin ang mga ito sa hindi naaangkop na paraan. Upang gumawa ng username, maaaring pumili ang isang bata ng kumbinasyon ng kulay at pangalan ng hayop.
Q: May iba pa bang limitasyon para sa mga username?
A: Dapat ay natatangi ang iyong username, ngunit marami ka namang opsyon kapag gumawa ka ng username. Maaaring umabot ng hanggang 24 na character ang haba ng pangalan, at maaari kang gumamit ng anumang kumbinasyon ng mga titik at numero, pati na rin ng mga underscore ( _ ). Hindi ito maaaring buuin lang ng mga numero, o magkaroon ng mga espasyo o iba pang hindi alphanumeric na character. Ang pinakamagandang username ay ang username na madali mong matatandaan.
Q: Kabisado ko na ang aking barcode. Maaari ko bang gamitin ang aking barcode bilang username?
A: Hindi, maliban na lang kung naglalaman ito ng mga titik at numero. Hindi maaaring buuin lang ng mga numero ang isang username.
Q: Maaari ko bang gamitin ang aking username upang mag-log in?
A: Oo, maaari mong gamitin ang iyong username o ang iyong library card number. Gayunpaman, mas madaling tandaan ang isang username kumpara sa mahabang string ng mga numero. Hindi mo maaaring gamitin ang iyong tunay na pangalan upang mag-log in, ngunit maaari mong ipakita ang tunay mong pangalan sa site kung gusto mo.
Q: Maaari ko bang palitan ang aking username?
A: Oo, maaari mong palitan ang iyong username kahit kailan. Tandaan na lalabas ang bago mong username para sa anumang content na dati mong idinagdag.
Q: Paano nauugnay ang login/password na ito sa login/password sa lumang catalog?
A: Pareho lang ito. Kung pinalitan mo ang iyong PIN at nag-log in ka gamit ang lumang system, o sa anumang system na gumagamit ng iyong library card, kakailanganin mong gamitin ang bago mong PIN.
Q: Nagkakaproblema ako sa pag-log in. Ano ang dapat kong gawin?
A: Kung magla-log in ka sa unang pagkakataon, kakailanganin mo ang iyong library card number o barcode, at ang iyong PIN. Ang barcode ay ang numerong nakalista sa likod ng iyong library card. Depende sa iyong library, maaaring umabot ng apat hanggang 25 digit ang haba ng iyong PIN, at maaari itong buuin lang ng mga numero o ng mga titik at numero. Ang ilang library ay nagde-default sa huling apat na digit ng numero ng iyong telepono o iyong zip code. Kung nakapag-log in ka na nang matagumpay, mayroon kang username, kung kaya’t maaari kang mag-log in gamit ang username o barcode.
Q: Kung matagal-tagal kong iniwan ang aking computer, kung minsan ay kailangan kong mag-log in muli. Bakit?
A: Idinisenyo ang system upang awtomatiko kang i-log out kung 30 minuto ka nang walang aktibidad. Isa itong feature na panseguridad, upang protektahan ang iyong account laban sa hindi pinahintulutang paggamit kung sakaling makalimutan mong mag-log out.
Q: Maaari ko bang palitan ang aking PIN at gumamit ng mahigit sa apat na numero?
A: Depende sa iyong library, maaari kang makagamit ng hanggang 25 alphanumeric na character. Magtanong sa isang librarian upang malaman kung pinapayagan ito ng iyong system.
Q: Hindi ko maalala ang aking username. Ano ang gagawin ko?
A: Mag-log in gamit ang iyong library card number o barcode. Kapag nakapag-log in ka na nang matagumpay, lalabas ang iyong username sa kanang itaas ng page.
Q: Hindi ko maalala ang aking PIN. Ano ang gagawin ko?
A: Mayroong link na Nakalimutan ang iyong PIN? sa page na Mag-log in. Ilagay ang iyong username o ang iyong library card number (barcode), at pagkatapos ay i-click ang Ipadala. Makakatanggap ka ng email na naglalaman ng mga tagubilin hinggil sa kung paano palitan ang iyong PIN. Upang magamit ang feature na ito, kailangan ay nakarehistro ka na. Kung hindi ka pa nakarehistro, o kung walang naka-save na email address para sa iyo ang library, makipag-ugnayan sa iyong library branch upang i-reset ang iyong PIN.