Q: Para saan ang mga shelf?
A: Pinagsasama-sama ng iyong mga shelf sa iisang lugar ang lahat ng pamagat na nabasa, napanood, o napakinggan mo (Natapos Na), kasalukuyan mong ginagamit (Kasalukuyang Ginagamit) o gusto mong hiramin sa hinaharap (Para Mamaya). Awtomatikong idaragdag ang mga item sa iyong shelf na Natapos Na sa tuwing magdaragdag ka ng rating, komento, o iba pang uri ng content. Maaari ka ring magdagdag ng mga pamagat sa anumang shelf nang manu-mano sa pamamagitan ng pag-click sa pangalan ng shelf sa tabi ng pamagat sa iyong mga resulta ng paghahanap, sa pamamagitan ng pag-click sa pangalan ng shelf mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat, o sa pamamagitan ng pag-click sa Magdagdag ng Pamagat sa mismong shelf.
Q: Bakit awtomatikong sine-save sa aking shelf na Natapos Na ang mga pamagat?
A: Ang mga pamagat ay sine-save sa iyong shelf na Natapos Na kapag nagbigay ka ng rating, nag-tag, o nagdagdag ng mga komento sa mga ito. Idinisenyo ito upang magbigay ng snapshot mo at ng iyong mga interes, at pagsama-samahin ang mga pamagat kung saan ka nagbigay ng opinyon. Bagama’t maaari kang magdagdag ng mga pamagat nang manu-mano, awtomatiko kang makakatipid ng oras kapag idinagdag mo ang mga ito.
Q: Paano ako magdaragdag ng mga pamagat sa aking mga shelf?
A: Sa alinman sa iyong mga shelf, i-click ang button na Magdagdag ng Pamagat, at pagkatapos ay hanapin ang pamagat na gusto mong idagdag. Sa mga resulta sa paghahanap, at mula sa page ng mga detalye ng pamagat, hanapin ang button na may pangalan ng shelf para idagdag ang pamagat sa shelf na iyon.
Q: Maaari ko bang idagdag ang mga aklat na pag-aari ko at nasa bahay?
A: Siyempre naman. Kung ang pamagat ay nasa catalog ng iyong library, maaari mo itong idagdag. Kung gusto mo, maaari mong gamitin ang sidebar na I-edit ang Mga Detalye upang markahan ang mga item na pag-aari mo.
Q: Kung mayroon na akong listahan ng mga aklat sa iba pang lugar (halimbawa, GoodReads, LibraryThing), maaari ko bang i-import ang mga iyon dito?
A: Sa ngayon, hindi. Umaasa kaming maidagdag ang feature na iyon sa hinaharap.
Q: Makikita ba ng iba pang tao kung ano ang nasa mga shelf ko?
A: Oo. Gayunpaman, kung mas gusto mo na huwag makita ng iba ang isang partikular na pamagat sa iyong mga shelf, maaari mong markahan ang item bilang pribado. Kapag tiningnan ng ibang miyembro ang iyong shelf, hindi makikita ang pamagat. Ang mga entry na iniwan sa pampublikong view ay magiging available sa iba pang user sa iyong library, sa iba pang library, at sa World Wide Web. Maaari ka ring tumukoy ng default na setting ng privacy para sa bawat isa sa iyong mga shelf na Natapos Na, Kasalukuyang Ginagamit, at Para Mamaya. Upang baguhin ang setting ng privacy ng shelf, mag-log in sa iyong account, at pagkatapos ay i-click ang Mga Setting Ko sa menu. Hanapin ang seksyon na Privacy.
Q: Ano ang ugnayan sa pagitan ng mga setting ng privacy ko, at ng content na iniaambag ko, gaya ng mga komento at tag?
A: BIlang default, nakabahagi ang iyong mga shelf, at ibabahagi sa komunidad ang anumang content na idaragdag mo (halimbawa, isang komento). Kung mamarkahan mo ang isang item bilang pribado, o kung ginawa mong pribado ang mga setting ng iyong shelf, hindi ibabahagi ang content na iaambag mo. Upang baguhin ang setting ng privacy ng shelf, mag-log in sa iyong account, at pagkatapos ay i-click ang Mga Setting Ko sa menu. Hanapin ang seksyon na Privacy.
Kung gusto mong markahan ang isang item bilang pribado, pumunta sa shelf, i-click ang link na Magdagdag ng Mga Detalye sa tabi ng item, at pagkatapos ay i-click ang Panatilihing pribado ang item na ito. Para sa higit pang detalye, basahin ang Pagbubukod ng Pamagat mula sa Nakabahaging View.
Q: Paano ako maglilipat ng isang bagay mula sa isang shelf papunta sa isa pang shelf? Mayroon akong pelikula sa shelf na Para Mamaya, hiniram ko ito, at gusto ko ito ngayong ilagay sa aking shelf na Natapos Na.
A: Madali lang lumipat mula sa isang shelf papunta sa isa pang shelf. Pumunta lang sa shelf na naglalaman ng item ng gusto mong ilipat. Sa tabi ng item, i-click ang Ilipat sa aking… at pagkatapos ay i-click ang bagong shelf.
Q: Ano ang mangyayari kung i-discard ng library ang isang item na nasa shelf ko?
A: Mananatili ang anumang item na idaragdag mo sa isa sa iyong mga shelf hanggang sa alisin mo ito, kahit na hindi na pag-aari ng library ang pamagat.