Q: Ano ang mga binalewalang user?
A: Hindi mo makikita ang mga komento sa site ng mga binalewalang user. Hindi ka rin mapapadalhan ng mensahe ng isang binalewalang user.
Q: Bakit ko gugustuhing “balewalain” ang isang tao?
A: Ang site na ito ay nagbibigay sa lahat ng miyembro at staff ng lugar kung saan sila makakapagbigay ng mga opinyon tungkol sa mga aklat, DVD, at CD na gusto nila o hindi nila gusto. Magkakaiba ang gusto ng mga tao; maaaring may ilang opinyon na hindi mo magugustuhang basahin.
Q: Ano ang mangyayari kapag binalewala ko ang isang tao?
A: Kapag binalewala mo ang isang user, hindi mo makikita ang kanyang mga komento sa mga bibliograpikong talaan, at hindi ka nila mapapadalhan ng mensahe. Kapag binalewala mo ang isang user, masi-screen ang lahat ng kanyang komento, kung kaya’t hindi lalabas ang mga ito kapag nag-browse ka sa mga koleksyon ng library. Hindi ito nakakaapekto sa kakayahan ng sinuman na makita ang mga komento ng user na iyon.
Q: Alam ba niyang binalewala ko siya?
A: Hindi. Kapag binalewala mo ang isang user, hindi mano-notify ang user na iyon, at hindi rin makikita ng iba ang kanyang status na binalewala.