Q: Palagi akong naghahanap ng mga aklat at pelikula na iche-check out. Paano ako magsisimulang makakuha ng mga rekomendasyon?
A: Maghanap ng iba pang user o staff ng library na may mga kaparehong hilig, sa iyong mga larangan ng interes, at “subaybayan” sila. Ang mga taong sinusubaybayan mo ay iba pang miyembro ng library na pinapakinggan mo pagdating sa mga partikular na paksa, gaya ng knitting, Irish fiction, o Indian cooking. Maaari kang magsimulang maghanap ng mga taong susubaybayan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga pamagat na talagang nagustuhan mo, at pagtingin kung may ibang nagkomento nang positibo sa mga ito. Kung may nagbigay ng positibong komento, itapat ang cursor sa kanyang username (i-tap sa isang tablet o smartphone), at pagkatapos ay i-click ang Subaybayan.
Q: Sino ang magpapasya kung ano ang irerekomenda sa akin?
A: Ikaw. Sa pamamagitan ng pagpili ng mga taong may katulad na interes, magkakaroon ka ng naka-customize na “feed” ng lahat ng bagay na binibigyan nila ng rating, kinokomentuhan, idinaragdag sa isang listahan, o idinaragdag sa isang shelf. Lalabas ang mga pamagat na ito sa iyong Newsfeed.
Q: OK, mayroon na ako ngayong ilang aklat sa aking Newsfeed. Bakit?
A: Ang isang taong sinusubaybayan mo ay nagdagdag ng rating, komento, at iba pang uri ng content sa isang nakabahaging item sa isa sa kanyang mga shelf.