Q: Bakit pa ako magbibigay ng mga komento at rating?
A: Narito ang ilang dahilan:
- Tulungan ang iba pang miyembro. Ang bawat isa sa atin ay mayroong larangan ng interes o kahusayan. May alam ka ba tungkol sa woodworking, genealogy, o Italian cooking? May opinyon ka ba tungkol sa mga pinakamagandang aklat para sa mga nasa pre-school, o kung alin sa mga recording ni Oscar Peterson ang maituturing na klasiko? Ibahagi ito. Ang content na idaragdag mo ay magsisilbing gabay sa iba pang miyembro upang matuklasan nila ang mga item na interesante para sa kanila, at makakatulong sa kanila na alamin kung maganda ka bang “subaybayan” sa isang partikular na paksa.
- Tulungan ang iyong library. Alam mo naman kung gaano kahalaga ang iyong library para sa iyong komunidad. Kapag nagdagdag ka ng content sa catalog, mas magiging mahalagang asset ito sa iyong library.
- Sabihin ang iyong mga opinyon. May opinyon ang lahat tungkol sa isang pelikulang pinanood nila o isang aklat na kakabasa lang nila. Ibahagi ang sa iyo. Masaya ito.
- Subaybayan ang iyong paghiram. Kapag binigyan mo ng rating o kinomentuhan ang mga pamagat, mapupunta ang mga ito sa iyong shelf na Natapos Na. Makakatulong iyon na ipaalala sa iyo kung ano ang nagustuhan mo kapag pumipili ka ng mga bagong pamagat sa hinaharap.
Q: Paano ito makakatulong na “gumawa ng mas magandang catalog”?
A: Dahil sa impormasyong idaragdag mo sa mga item sa catalog, mas madaling makakatuklas ng mga bagong pamagat ang iba pang miyembro, at makakatulong ito sa kanila na tukuyin kung interesante ang mga iyon para sa kanila.
Q: Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang komento at isang buod?
A: Isipin mo na lang na parang isang review o opinyon ang isang komento. Ito ang iyong kuro-kuro. Ang buod ay isang balangkas, gaya ng kuwento ng isang pelikula, o ng mga content ng isang non-fiction na aklat.
Q: Ano ang mga tag? Paano naiiba ang mga ito sa mga heading ng library?
A: Ang mga tag ay mga keyword o label. Ang mga tag ay makakatulong sa iyo at sa iba na makahanap ng mga bagong pamagat sa iyong library, at makakatulong din sa iyo na isaayos ang mga bagay na nagustuhan mo. Ang mga heading ng library ay nag-uuri-uri ayon sa paksa; magagawa rin ito ng mga tag, ngunit maaari ka ring gumamit ng mga tag upang imungkahi ang mga emosyonal na aspeto ng isang aklat o pelikula. Halimbawa, maaari mong ilarawan ang isang pelikula bilang nakakatawa, mapanglaw o malungkot, o ang isang cookbook bilang komprehensibo o madaling gamitin.
Q: Bakit ko kailangang gumamit ng mga tag?
Narito ang ilang dahilan kung bakit magiging kapaki-pakinabang para sa iyo ang mga tag:
- Maghanap ng mga bagong item, at tulungan ang iba na magawa iyon. Gustong makahanap ng higit pang aklat na nagbibigay ng inspirasyon? Maghanap ng mga aklat na nilagyan ng ganoong tag ng iba.
- Isaayos ang iyong mga shelf. Maaari ka ring magdagdag ng mga pribadong tag, gaya ng “regalo mula kay inay” o “2016 book club” at pagkatapos ay gamitin ang mga tag na iyon upang i-filter ang iyong mga shelf.
- Tulungan ang iyong library. Alam mo naman kung gaano kahalaga ang iyong library para sa iyong komunidad. Kapag nagdagdag ka ng content sa catalog, mas magiging mahalagang asset ito sa iyong library.
Q: Ano ang isang “pribado” na tag?
A: Ang mga pribadong tag ay para sa iyong personal na paggamit, at hindi makikita ng iba pang miyembro. Hindi mo maaaring gamitin ang mga ito upang maghanap, ngunit maaari mong gamitin ang mga ito upang i-filter ang iyong mga shelf. Halimbawa, maaari mong i-tag ang “regalo mula kay inay” o “mga aklat na binasa ko noong bakasyon” sa ilang partikular na aklat.
Q: Ano ang mga katulad na pamagat?
A: Ang mga katulad na pamagat ay magagamit ng mga user ng library upang gumawa ng mga koneksyon sa pagitan ng mga item sa catalog. Ngayong nabasa na ng iyong mga anak ang lahat ng Harry Potter na aklat, hindi ba’t maganda kung makakahanap ka ng katulad na aklat na magugustuhan din nila? Maaari kang magdagdag ng mga suhestyon sa isang pamagat na sa tingin mo ay magiging interesante para sa iba, at maaari kang maghanap ng mga katulad na pamagat na na-attach ng iba sa isang pamagat na nagustuhan nila. Para ito sa pagtuklas.
Q: Mayroon bang moderator para sa mga komento?
A: Wala. Lalabas kaagad sa catalog ng library ang mga komento, buod, at iba pang impormasyong idaragdag mo. Ipinagpapalagay namin na paiiralin ng lahat ng user ang mabuting pagpapasya kapag nagpo-post ng mga komento. Magagamit ng komunidad ang function para sa pag-uulat upang mag-flag ng content na hindi kanais-nais.
Q: Bakit mayroon kayong mga paunawa para sa mga pamagat? Hindi ba’t censorship iyan?
A: Mas gusto ng ilang miyembro na iwasan ang mga aklat at pelikulang naglalaman ng ilang partikular na uri ng content, lalo na kapag humihiram para sa kanilang mga anak. Ang mga paunawa ay nagsisilbing paraan upang tulungan ang mga miyembrong iyon sa pagpili. Kung mas gusto mong suriin mag-isa ang bawat aklat o pelikula, hindi mo kailangang magdagdag ng mga paunawa o basahin ang mga ito.
Q: Maaari ba akong mag-delete o mag-edit ng mga komento o iba pang content na iniambag ko?
A: Oo, maaari kang mag-edit o mag-delete ng komento kahit kailan mo gusto.
Q: Gaano katagal sino-store ang aking mga komento?
A: Walang expiration date ang content na iniaambag mo. Mananatili ito hanggang sa piliin mo itong i-delete.
Q: 12 taong gulang ang aking anak. Bakit iba ang mga feature ng kanyang account kumpara sa aking account?
A: Ang mga batang wala pang 13 gulang ay hindi makakatanggap ng mga mensahe mula sa iba pang miyembro, at hindi rin sila makakapagpadala ng mga mensahe. Isa itong feature na panseguridad na idinisenyo upang protektahan ang mga bata.
Para sa mga user sa United States, iniaatas ng Children’s Online Privacy Protection Act sa mga website na nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa mga bata na humingi muna ng pahintulot mula sa magulang. Dahil dito, ang mga bata ay hindi pinapayagang ipakita ang tunay nilang mga pangalan, at hindi rin sila maaaring mag-type ng sarili nilang mga username, maglagay ng mga komento, o magdagdag ng iba pang uri ng content na kailangang i-type, dahil maaaring gamitin ang mga ito sa hindi naaangkop na paraan. Ang mga bata ay maaaring magdagdag ng mga star rating, kaangkupan sa edad at mga katulad na pamagat, at maaari silang gumawa ng mga listahan gamit ang mga paunang tinukoy na pamagat.
Q: Ano ang mangyayari kapag 13 taong gulang na ang aking anak?
A: Sa katapusan ng buwan kung kailan naging 13 taong gulang ang isang bata, ang kanyang account ay awtomatikong magkakaroon ng mga pribilehiyo at feature na kapareho ng sa isang pang-nasa hustong gulang na account. Ang system ay hindi nagso-store ng mga eksaktong petsa ng kapanganakan, kaya magaganap ang pagbabago sa katapusan ng buwan, sa halip na sa mismong kaarawan.
Q: Nakakita ako ng komento na hindi naaangkop para sa akin. Ano ang maaari kong gawin?
A: Sa tabi ng bawat komento, may makikita kang button na magagamit mo upang mag-ulat ng mga hindi naaangkop na komento. Bago ka mag-ulat ng isang bagay, siguraduhing nabasa mo ang Mga Tuntunin ng Paggamit. Mayroong link papunta rito sa ibaba ng bawat page.
Q: Kung mag-ulat ako ng komento, malalaman ba ito ng may-akda ng komento?
A: Hindi, hindi malalaman ng may-akda kung sino ang nag-ulat ng alalahanin, at walang indikasyon sa catalog. Anonymous ang pag-uulat.
Q: Ano ang mangyayari sa mga komento kapag “iniulat” ang mga ito?
A: Ang paraan ng pangangasiwa sa mga komento ay nakadepende sa uri ng ulat, kung saan nagmula ang ulat, at sa bansa ng taong nagsulat ng orihinal na komento. Basahin ang Pag-uulat ng Hindi Naaangkop na Content para sa mga detalye.