Q: Kapag naghanap ako ng may-akda, kailangan ko bang i-type muna ang apelyido?
A: Hindi. Maaari mong i-type ang stephen king, o king, stephen. Walang problema.
Q: Hindi ko alam ang eksaktong spelling ng pangalan ng isang may-akda. Ano ang dapat kong gawin?
A: Kung nagsagawa ka ng paghahanap at wala kang nakuhang resulta, ang system ay maaaring mag-alok ng mga rekomendasyon na masusubukan mo. Halimbawa, kung ita-type mo ang hemmingway, hindi ka makakatanggap ng anumang resulta ng paghahanap para kay Ernest Hemingway. Gayunpaman, makikita mo ang Ang ibig mo bang sabihin ay hemingway? I-click ang pangalan upang maghanap gamit ang spelling na iyon.
Q: Maaari ba akong maghanap ayon sa format? Ang gusto ko ay ang mga pelikula ng Harry Potter, hindi ang mga aklat.
A: Oo, may dalawang paraan upang gawin ito. Ang pinakamabilis na paraan ay ang pag-type ng harry potter dvd sa kahon para sa paghahanap. Kung gusto mo, maaari mong gamitin ang mga opsyon sa advanced na paghahanap. Sa kahon na Naglalaman ng, i-type ang gusto mong makita, pagkatapos ay piliin ang DVD mula sa mga opsyon ng Format sa ibaba ng page.
Q: Nakakuha ako ng 0 resulta para sa aking paghahanap. Ano ang dapat kong gawin?
A: Narito ang ilang bagay na maaari mong subukan kung hindi matagumpay ang una mong paghahanap:
- Tingnan ang iyong spelling. Sa iyong page ng mga resulta, maaari kang makakita ng link na “Ang ibig mo bang sabihin ay?” na may suhestyon. Kung hindi, suriin ang na-type mo.
- Kung naghanap ka ayon sa may-akda, pamagat, o tag, subukang maghanap ayon sa keyword.
- Hindi mo kailangang unahing i-type ang apelyido ng isang may-akda. Hindi mo kailangang i-type ang kinsella, sophie. I-type lang ang sophie kinsella.
- Kung alam mo ang ISBN ng isang pamagat, maaari mo itong gamitin bilang iyong keyword sa paghahanap.
Q: Ano ang ibig sabihin ng “palawakin ang iyong paghahanap”?
A: Kapag nag-type ka ng parirala sa kahon para sa paghahanap, susubukan nitong maghanap ng pamagat na naglalaman ng lahat ng salita. Para sa isang paghahanap ng keyword, kung walang pamagat na naglalaman ng lahat ng salita, makakakita ka ng opsyong palawakin ang iyong paghahanap. Uulitin nito ang paghahanap gamit ang parehong grupo ng mga salita, ngunit isasama sa mga resulta ang mga naglalaman ng kahit ilan sa mga termino. Mauuna ang mga item na may pinakamaraming tumutugmang salita.
Q: Bakit magkakaiba ang nakukuha kong resulta mula sa advanced at basic na paghahanap gamit ang mga parehong keyword?
A: Ang advanced na bersyon ay naghahanap ng mas maraming impormasyon sa catalog ng library kumpara sa basic na paghahanap. Bilang resulta, maaaring medyo mag-iba ang mga resulta.
Q: Kapag nagfi-filter ng mga resulta ng paghahanap ayon sa wika, ano ang ibig sabihin ng “Isama ang mga pagsasalin”?
A: Ipinapakita ng facet ng wika ang pangunahing wika ng bawat isa sa mga pamagat sa iyong mga resulta, at magagamit mo ito upang i-filter ang iyong mga resulta ayon sa isa o higit pang wika. Isinasaad ng numerong kasunod ng bawat wika ang kabuuang bilang ng mga pamagat sa wikang iyon. Maaaring nasa mahigit sa isang wika ang ilang pamagat. Halimbawa, ang isang pelikula na orihinal na nasa wikang Ingles ay maaaring na-dub sa wikang Spanish o Chinese, o maaaring may mga subtitle sa mga wikang iyon. Kung gusto mong makasama ang mga pamagat na iyon sa mga bilang ng wika, i-click ang Isama ang mga pagsasalin; kapag naglapat ka ng filter ng wika, isasama sa mga resulta ang mga pagsasalin at pamagat na orihinal na nasa napiling wika.
Q: “Hindi Available” ang nakalagay sa isang pamagat na gusto ko, ngunit alam kong may kopya ang library.
A: Isinasaad ng Hindi Available na ang lahat ng kopya ng pamagat ay na-check out, ipinapadala, inaayos, o wala sa sirkulasyon. Maaari mo pa ring ipareserba ang isang item na ipinapakita bilang Hindi Available.
Q: Ano ang isang Boolean search?
A: Ang isang Boolean search ay gumagamit ng mga panaklong upang pagpangkatin ang mga termino at “operator” gaya ng AND, OR, o NOT nang sa gayon ay malimitahan ang mga resulta ng paghahanap. Kapag hinanap mo ang potter NOT harry, ang lalabas ay mga pamagat mula kay Beatrix Potter, at hindi tungkol kay Harry Potter. Sa page ng advanced na paghahanap, maaari din itong ilagay bilang (potter) -(harry). Sa katulad na paraan, ang hahanapin para sa ( (mark twain) OR (samuel clemens) ) AND (tom sawyer) ay sina Mark Twain o Samuel Clemens, at si Tom Sawyer. Para sa higit pang detalye, basahin ang Paggamit ng Advanced na Paghahanap.
Q: Ano ang Antas ng Pagbabasa? Ano ang Mga Lexile?
A: Sinusukat ng antas ng pagbabasa ang bokabularyo at haba ng pangungusap ng isang aklat. Ang Lexile ay isa sa mga system na ginagamit upang sukatin ito. Ang mga Lexile measure ay mula 0L (mga nagsisimula pa lang magbasa) hanggang 1600L (pang-kolehiyong text). Ang antas ng pagbabasa/Lexile ay hindi nauugnay sa audience o kaangkupan ng isang aklat—kapag mababa ang Lexile measure, hindi ibig sabihin na pambata na kaagad ang isang aklat. Maaari kang makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa Lexile at kung ano ang iyong Lexile measure sa kanilang website. Kung gumagamit ka ng ibang system para sa pagsukat ng antas ng pagbabasa, maaari kang gumamit ng chart gaya nito upang malaman kung ano ang pagkakaiba nito sa Lexile.
Q: Kadalasan ay naghahanap ako ng mga aklat tungkol sa iisang paksa. Maaari ko bang i-save ang aking paghahanap nang sa gayon ay hindi ko na ito kailangang gawin palagi?
A: Oo, maaari kang mag-save ng mga paghahanap at pagkatapos ay patakbuhing muli ang mga ito sa ibang pagkakataon. Basahin ang Pag-save ng Mga Paghahanap para sa mga detalye.
Maaari kang gumamit ng RSS reader upang makakuha ng feed ng mga pamagat na interesante para sa iyo. Naka-built in na ang RSS reader sa ilang browser, gaya ng Firefox. Marami ding uri ng mga RSS reader na available para sa anumang device na ginagamit mo upang maghanap sa catalog ng library. Hanapin ang link sa RSS sa ibaba ng iyong page ng mga resulta ng paghahanap upang makuha ang iyong paghahanap.
Q: Bakit ko kailangang mag-save ng paghahanap?
A: Kapag nag-save ka ng paghahanap, mapapatakbo mo itong muli sa pamamagitan lang ng pag-click sa pangalan ng paghahanap. Nakakatipid ito ng oras. Ang mga naka-save na paghahanap ay magagamit din upang subaybayan ang isang paboritong may-akda o paksa.
Q: Paano ko ie-edit ang aking naka-save na paghahanap?
A: Pumunta sa Mga Setting Ko > Mga Naka-save na Paghahanap at i-click ang button na I-edit upang muling patakbuhin ang paghahanap, gawin ang iyong mga pagbabago, at muling i-save ang paghahanap. Kung papalitan mo ang mga keyword sa paghahanap, gagawa ka ng bagong paghahanap, sa halip na i-edit ang luma mong paghahanap.
Q: Makikita ba ng iba pang user ang aking mga naka-save na paghahanap?
A: Hindi. Palaging pribado ang mga naka-save na paghahanap.