Q: Ano ang isang listahan?
A: Ang isang listahan ay isang koleksyon ng mga pamagat na nauugnay sa isang partikular na paksa o ideya na pipiliin mo. Ang Pinakamagagandang Italian Cookbook, 10 Aklat na Paborito ng Anak Ko at Mga Pelikulang Nakapagpabago ng Buhay Ko ay mga halimbawa ng mga listahan na maaari mong gawin. Ang isang magandang listahan ay isang na-curate na gabay sa paksa. Ang isang listahan ay hindi lang dapat isang grupo ng mga pamagat mula sa isang may-akda, dahil magagawa mo naman iyon sa pamamagitan ng paghahanap, o isang listahan ng mga pamagat na gusto mong hiramin, dahil mayroon ka namang shelf na Para Mamaya para doon.
Q: Sino ang maaaring gumawa ng mga listahan?
A: Ang sinumang may library card ay makakagawa ng listahan kapag naka-log in siya sa kanyang account. Hindi naman kailangang miyembro ka ng staff ng library.
Q: Paano ako gagawa ng listahan?
A: Sa menu, i-click ang Mga Listahan para mapunta sa iyong page na Aking Mga Listahan, at pagkatapos ay i-click ang button na Magdagdag ng Bagong Listahan. Kapag nagawa mo na ang listahan, maaari ka nang magdagdag ng mga pamagat dito.
Q: Makikita ba ng ibang tao ang aking mga listahan?
A: Oo. Kasama sa saya ng paggawa ng mga listahan ang pagbabahagi ng iyong kahusayan sa iba. Kapag gumawa ka ng listahan, maaari mong piliin kung sino ang makakakita sa iyong listahan. Bilang default, makikita ng lahat ang mga listahan. Maaari mo iyong baguhin kapag ipa-publish mo ang iyong listahan.
Q: Mababago ko ba ang pagkakasunud-sunod ng mga item sa isang listahan?
A: Oo. Lalabas sa itaas ang bawat pamagat na idaragdag mo sa isang listahan. Maaari mong ilagay ang mga item sa anumang pagkakasunud-sunod sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop. Para maglipat ng item, gamitin ang mga pataas at pababang arrow sa tabi ng item para ilipat ito pataas o pababa nang isang posisyon. Maaari mo ring i-drag at i-drop ang mga item nang pataas o pababa.
Q: Ilang pamagat ang maaari kong ilagay sa isang listahan?
A: Hanggang 100. Gayunpaman, upang talagang maging mabisa, mas mainam kung hindi lalampas sa isang dosena ang ilalagay mo, maliban na lang kung para sa sarili mong paggamit ang listahan.
Q: Bakit may limitasyon?
A: Idinisenyo ang mga listahan upang ituon ang atensyon sa mahahalagang pamagat sa isang partikular na larangan, para na rin sa iba pang miyembro ng library. Hindi makakatulong ang masyadong mahabang listahan. Halimbawa, kung ililista mo lang ang lahat ng aklat ni Stephen King, hindi iyon nalalayo sa pagsasagawa ng paghahanap. Ngunit kung nabasa mo na ang lahat ng aklat ni Stephen King, makakatulong sa isang tao na bago pa lang sa mga akda ni King ang paggawa ng listahan ng sa tingin mo ay ang 10 pinakamagaganda niyang akda.
Q: Maaari ko bang paghaluin ang mga aklat at pelikula sa isang listahan?
A: Oo. Ang isang listahan ay maaaring maglaman ng anumang kumbinasyon ng mga pamagat at format. Maaari ka ring magdagdag ng mga website sa isang listahan.
Q: Bakit ko kailangang magdagdag ng Web page sa isang listahan?
A: Magdagdag ng mga link sa mga website kasama ng mga pamagat sa iyong listahan. Halimbawa, ipagpalagay na gumawa ka ng listahan ng mga aklat na nagbibigay ng payo sa mga bagong imigrante. Maaari kang magdagdag ng mga link papunta sa mga website na nagbibigay ng mga serbisyo at form mula sa pamahalaan, payong legal, o pangkomunidad na organisasyon para sa mga bagong imigrante. Kung gumawa ka ng listahan ng babasahin para sa iyong book club, maaari kang magbigay ng mga link papunta sa mga online na sanggunian o review ng mga aklat na pinaplano mong basahin.
Q: Ano ang ibig sabihin ng paglalagay ng anotasyon sa isang listahan?
A: Ang mga anotasyon ay maiikling tala na naka-attach sa mga item sa isang listahan, at makikita lang kapag tinitingnan ang listahan. Hindi kagaya ng mga komento, hindi lumalabas ang mga ito sa page ng mga detalye ng isang pamagat. Malaki ang maitutulong ng mga anotasyon sa paglalarawan ng isang Web page na idinagdag mo sa iyong listahan.
Q: Bakit hindi ko ma-publish ang aking listahan ng 3 pamagat?
A: Kailangang mayroong 4 na pamagat ang isang listahan bago mo ito ma-publish. Ito ay upang hikayatin ang mga pinag-isipan at kapaki-pakinabang na listahan. Ang system ay palaging magse-save ng draft ng iyong listahan bago ito i-publish, kahit na mas kaunti sa 4 na item ang laman ng listahan.
Q: Paano ko matitingnan ang mga listahan ng ibang miyembro?
A: Sa tuwing makakakita ka ng komento sa isang pamagat, makikita mo ang pangalan ng user na nagsulat ng komento. I-click ang kanyang pangalan upang makita ang mga pamagat sa kanyang mga shelf. Kapag tinitingnan mo ang kanyang mga shelf, makikita mo rin ang kanyang mga listahan sa pamamagitan ng pag-click sa link malapit sa itaas ng page. Ang mga bagong listahan ay lumalabas din sa page na Kamakailang Aktibidad.
Q: Paano ako magse-save ng isang bagay mula sa listahan ng isang tao?
A: I-click ang icon sa kanan ng pamagat sa isang listahan upang i-save ito sa iyong shelf na Para Mamaya.
Q: Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga listahan at shelf?
A: Pinagsasama-sama ng mga shelf sa iisang lugar ang lahat ng pamagat na nabasa, napanood, o napakinggan mo (Natapos Na), kasalukuyan mong hinihiram (Kasalukuyang Ginagamit) o gusto mong hiramin sa hinaharap (Para Mamaya). Maaari kang magdagdag ng kahit ilang item hangga’t gusto mo, maaari mong gawing pribado ang lahat o ilan sa mga ito, at maaari kang mag-filter ng shelf gamit ang mga kategorya sa kaliwang sidebar.
Ang mga listahan ay mg mas nakatuong koleksyon ng mga item tungkol sa isang partikular na paksa (halimbawa, Ang Paborito Kong Chicklit ng 2017). Ang mga listahan ay maaari ding maglaman ng mga link papunta sa mga Web page. Maaari kang gumawa ng kahit ilang listahan hangga’t gusto mo, ngunit limitado ka lang sa 100 item para sa bawat listahan. Maaari mong gawing pampubliko ang listahan (nakikita ng iba) o panatilihin itong pribado.
Q: Ano ang mangyayari kung i-discard ng library ang isang item na inilagay ko sa isang listahan?
A: Mananatili ang anumang item na idaragdag mo sa isang listahan hanggang sa alisin mo ito, o i-delete ang listahan, kahit na hindi na pag-aari ng iyong library ang item.