Q: Paano ako magse-save sa shelf na ito?
A: Sa mga resulta ng paghahanap, at mula sa page ng mga detalye ng isang pamagat, hanapin ang button na Para Mamaya upang idagdag ang pamagat sa iyong shelf. Kapag tinitingnan ang iyong shelf na Para Mamaya, i-click ang button na Magdagdag ng Pamagat, at pagkatapos ay hanapin ang pamagat na gusto mong idagdag.
Q: Gaano katagal sino-store sa aking shelf na Para Mamaya ang mga pamagat?
A: Walang limitasyon ang tagal ng pagpapanatili sa mga pamagat. Ang mga pamagat na ilalagay mo sa shelf na ito (o iba pang shelf) ay mananatili hanggang sa i-delete mo ang mga ito.
Q: Ano ang maximum na bilang ng mga pamagat na maaari kong ilagay sa aking shelf na Para Mamaya?
A: Walang maximum. Maaari kang magdagdag ng kahit ilang pamagat hangga’t gusto mo.
Q: Makikita ba ng iba pang tao ng shelf na ito?
A: Oo. Gayunpaman, kung mas gusto mo na huwag makita ng iba ang isang partikular na pamagat sa iyong shelf na Para Mamaya, maaari mong markahan ang item bilang pribado. Kapag tiningnan ng ibang miyembro ang iyong shelf, hindi makikita ang pamagat. Ang mga item na hindi minarkahan bilang pribado ay magiging available sa iba pang user sa iyong library, sa mga user sa iba pang library, at sa World Wide Web. Maaari ka ring tumukoy ng default na setting ng privacy para sa iyong shelf na Para Mamaya. Upang baguhin ang setting ng privacy ng shelf, mag-log in sa iyong account, at pagkatapos ay i-click ang Mga Setting Ko sa menu. Hanapin ang seksyon na Privacy.
Q: Maaari ko bang i-import ang listahan ng mga bagay na gusto kong hiramin mula sa lumang catalog?
A: Kung gumawa ka ng listahan sa lumang catalog, maaari mo itong ma-import sa bagong system. Maghanap ng button na I-import ang Listahan sa iyong shelf na Para Mamaya. Kapag na-click ang button, sabay-sabay ii-import sa iyong listahan ang lahat ng item na na-save mo, at idaragdag ang mga ito sa shelf na Para Mamaya.