Q: Paano ko mapapalitan ang aking pangalan, address, o maitatama ang aking impormasyon ng kapanganakan?
A: Ang mahahalagang bahagi ng impormasyon ng iyong account ay dapat palitan nang personal sa iyong library. Makipag-ugnayan sa iyong library nang direkta upang malaman kung kakailanganin mong magpakita ng ID kasama ng iyong kahilingan.
Q: Ano ang “mga gustong lokasyon”?
A: Kung mayroong mahigit isang sangay o lokasyon ang iyong library, at mas madalas mong gamitin ang ilan kaysa sa iba, maaari kang tumukoy nang hanggang tatlong lokasyon bilang pinakaginagamit mo. Ang unang lokasyon na tutukuyin mo ay ang iyong default na lokasyon ng pagkuha. Kung naka-log in ka at nagpareserba ka, ipapakita ang lokasyong ito, nang sa gayon ay hindi mo ito kailangang piliin nang piliin.
Nakakaapekto ang lahat ng lokasyon sa mga resulta ng paghahanap. Ang isang item na lumalabas sa mga resulta ng paghahanap ay magkakaroon ng label na Available sa gustong lokasyon, Available sa ilang lokasyon, o Walang available na kopya. Maaari itong maging kapaki-pakinabang sa iyo kung nakatira ka malapit sa isang sangay at nagtatrabaho malapit sa isa pang sangay, at gusto mong matukoy kung alin ang may available na kopya ng item na gusto mo. Kung iisa lang ang lokasyon ng iyong library, wala kang makikitang page na Mga Pagpapareserba at Lokasyon ng Pagkuha sa iyong Mga Kagustuhan sa Account.